Jade.
Pagdating ng umaga ay naabutan ko si Reene na naka-uniporme na at hinihintay ako. Nakabihis na din ako at nagkaroon pa kami ng pagtatalo ni Reene bago siya pumayag na pumasok ako ngayon. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay ayaw muna niya akong papasukin para magpahinga pero tumanggi ako dahil ayos na ang pakiramdam ko.
"Don't worry Reene. I'm fine really." Sabi ko sakanya at bumunting-hininga siya.
"What else can I do? You already made up your mind." Sabi nito ay umiling kaya nangiti ako.
"Ang sungit mo naman Ma'am Madriaga." Asar ko sakanya at umismid lang siya.
"Bilisan na natin kumain at baka ma-late ako sa klase ko. Alam mo naman ang mga Grade 12 students ngayon." Sabi niya kaya natawa ako. Adviser ng HUMSS 12-A si Reene at hindi maipagkakaila na madami talaga ang humahanga sakanya dahil bukod sa taglay niyang kagandahan ay talagang magaling talaga itong magturo.
"Oo na." Sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Lumabas na kami ng apartment at dumiretso sa sakayan ng jeep. Tinulungan ko siya sa pagbuhat ng gamit niya, tutulungan naman siya ng mga estudyante mamaya kapag nakababa na siya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil na ang jeep sa tapat ng eskwelahan na pinagtuturuan niya at gaya nga ng sabi ko ay tinulungan siya ng mga estudyante niya, napailing naman ako nang lapitan siya ng isang teacher na nanliligaw sakanya. Umandar na ulit ang jeep at nang makarating ako sa destinasyon ko ay pumara din ako at agad na bumaba.
Pagkabukas ko ng restaurant ay agad akong sinalubong ni Ate Temari kaya nagtaka ako.
"Goodmorning Ate, ano pong meron?" Tanong ko dahil ito ang unang beses na sinalubong niya ang pagdating ko.
"Goodmorning din Jade. Mag-usap tayo sa office ko pwede ba?" Tumango naman ako at sinundan siya nang maglakad siya palayo.
"You're really doing well Jade pero kailangan kitang tanggalin sa trabaho mo." Nagulat ako sa sinabi ni Ate Temari.
"Ate kailangan ko po itong trabaho ko." Naiiyak na ako dahil hindi ko maintindihan bakit gusto niya akong tanggalin sa trabaho. She sighed and look at me.
"Jade, I need you here but a certain person wants you to work for her." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya at may hula na ako sa kung sino ang sinasabi niya.
"Ate Temari, okay lang po kahit tanggalin niyo ako hindi na ako aangal. Aalis na po ako, salamat po." Nagpa-panic na ako dahil nanginginig ang katawan ko, isinukbit ko ang backpack ko at akmang lalabas na nang bumukas iyon at napaatras ako nang sumalubong sa akin si Hera. Naka-heels ito ng itim at naka-dress din ng itim. Her dress is hugging her curves perfectly. Mas dumagdag sa tangkad niya ang suot niyang heels kaya napatingala ako sakanya ng bahagya. Napalunok ako at napaatras nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko at nanlamig ang mga kamay ko.
"Not so fast Jade." She smirked and look at Ate Temari.
"Thank you Temari, I'll take care of her." Sabi nito at hinablot ang braso ko at hinila ako palabas ng resto. She's gripping my arm tight and it's hurting me. Gusto kong umiyak dahil sa takot, I know what's running on Hera's mind. Kilala ko si Hera at natatakot ako sakanya.
"H-Hera, nasasaktan ako." Gusto ko mang tanggalin ang pagkakahawak niya pero hindi ko magawa, binuksan niya ang kotse niya at pabalya akong binatawan at pinapasok sa loob at isinara ang sasakyan. Pumasok naman siya sa driver's seat at agad na pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis.
"H-Hera, s-saan tayo pupunta?" Kahit natatakot ay nagawa ko paring tanungin siya.
"You're mine now Jade. You know me and what can I do. You'll be my slave." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Hindi Hera! Itigil mo itong sasakyan!" Pinilit kong patatagin ang boses ko pero nginisihan niya lang ako.
"You can't order me around Jade. Sa tingin mo hindi kita makukuha? Isang tawag ko lang ay tanggal ang kaibigan mo sa trabaho niya." Napalunok ako sa sinabi niya.
"Maging ang restobar na pinagtatrabahuan mo ay ipapasara ko at sisiguraduhin kong walang sino man ang tatanggap sayo kung iniisip mong maghanap ng ibang trabaho." Hindi ko na mapigilan ang mapaluha.
"Why are you doing this Hera? I promise I won't bother you kung gusto mo ay aalis ako dito at lalayo sayo. Please Hera, nananahimik na ako." Tumigil ang sasakyan sa isang napakalaking bahay--hindi bahay kundi mansion. Hindi pa niya naipaparada ang sasakyan niya ay agad niya akong hinila palabas. She's mad.
Nang makapasok kami sa loob ay pabalya niya akong binitiwan muli kaya napahiga ako sa sahig. Napahawak ako sa braso ko dahil nauna itong tumama sa sahig. Ang sakit!
"I will never let you live in peace Jade. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin? You cheated on me! My life is so fvcked up because of you! Binigay ko sayo ang lahat pero anong ginawa mo!?" Hinawakan niya ang panga ko kaya ramdam ko ang takot na nananalatay sa katawan ko. She's so mad and this is her side that I never want to encounter.
"You cheated on me and had s*x with that fvcking Jason! How dare you!" She slap me at ramdam ko ang sakit ng ginawa niya. Nalalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko.
"I never cheated on you Hera. Kung hinayaan mo lang akong magpaliwang--" I stop when she grab my neck and now she wants to strangle me. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko dahil sa ginagawa niya. Dumaloy sa utak ko ang mga mapapait na alaala kaya napahagulhol na ako. Gamit ang likod ng kamay niya ay muli niya akong sinampal at medyo nahilo ako sa ginawa niya. Binitawan niya ako at umatras ng bahagya. She is now standing tall in front of me, ibang iba na siya sa paningin ko at ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang layo ng agwat naming dalawa. Nakatingala lamang ako sakanya. She's not the Hera I used to know anymore at tama siya, kasalanan ko kung bakit siya nagkaganito.
"T-Tama na Hera. Susunod ako sa gusto mo, mapatawad mo lang ako sa ginawa ko sayo." Ngumisi siya.
"You better be Jade. You'll never leave this house. Hindi ka pwedeng makipagkita sa kaibigan mo. Better text or call her or else." She said before walking away.
Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang bag ko na nakakalat at niyakap iyon.
"Miss?" Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isang mukha ng kasambahay niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito at tinulungan akong tumayo.
"Ihahatid na po kita sa magiging kwarto mo." Sabi nito at inalalayan ako papunta sa isang maliit na kwarto. May kama doon at katamtamang laki na closet. Iniwan na ako ng kasambahay kaya naupo ako sa kama at binuksana ng bag ko para kunin ang phone ko.
Tinawagan ko si Reene at sinagot naman niya agad ito.
"Reene. Makinig ka muna sa akin please. I'm here at Hera's house and please don't worry ayos lang ako dito. Don't visit me here. I will visit you when I can and huwag kang mag-alala dahil ia-update parin kita sa nangyayari sa akin dito. Just please let me do this." I know Reene don't want this pero ayokong mapahamak siya nang dahil sa akin, kilala ko si Hera.
"Jade. I'm not afraid of her you know that." Seryoso ang boses niya kay pinigilan ko ang pag-iyak.
"Reene. I'll be fine I promise." Sabi ko.
"You're not fine." Kilala talaga ako ni Reene pero umiling ako at ramdam ko ng may nakabara sa lalamunan ko.
"This is for the better Reene, gusto kong mapatawad ako ni Hera--"
"Wala kang kasalanan Jade!" She's already shouting this time.
"Reene let me handle this alone please? Pangako pagkatapos nito ay babalik ako dyan. It's time Reene, ayokong habang buhay na lamang akong tatakbo palayo sakanya. Baka matulungan niya din ako Reene." I heard her sighed and she stay silent for 2 minutes before answering.
"Fine. Pero kapag nalaman kong may ginawa siyang hindi maganda sayo ako mismo ang susugod dyan at kukuha sayo mula sakanya." I know labag sa kalooban niya ang mga sinasabi niya ngayon pero ito ang alam kong paraan para makapagpaliwanag ng totoong nangyari noon kay Hera.
"Thank you Reene." Nagbilin muna siya sa akin bago pinatay nag tawag. Mahal na mahal ko parin si Hera, walang pinagbago kahit ilamg taon na ang nakakalipas. Alam ko din na punong-puno na ng galit ang puso ni Hera ngayon pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako at para dinggin niya ang eksplanasyon ko sa nangyari noon.
I never cheated on her. She's the love of my life and I will never cheat on her. It was all a misunderstanding but I can't do anything. Napayakap ako sa sarili ko at umiyak ng umiyak. Pinunasan ko ang mukha ko at inilabas ang laman ng bag ko. Dalawang underwear at dalawang simpleng t-shirt at dalawang pantalon. Tinanggal ko ang suot kong uniporme at isinuot ang t-shirt na nasa inilabas ko.
I'm her slave now. But I want her to surrender her heart to me again.