JADE.
Nagising ako sa isang hindi kilalang lugar. Nakatali ang dalawang kamay at paa ko and i'm in the dark. Pinilit kong kumawala pero walang epekto dahil masyadong mahigpit ang pagkakatali. "Gising kana pala." Nagkaroon ng kaunting liwanag at bumungad sa akin ang mukha ni Maxene kaya agad akong natigilan at nakaramdam ng takot. My body is trembling again and I can't think properly.
'Hera! Please save me!'
Naramdaman ko ang pagkabasa ng mga pisngi ko. I'm crying again! Gustuhin ko mang magsalit ay hindi ko kaya dahil sa nakatakip sa bibig ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya pinilit kong gumalaw at lumayo sakanya pero walang epekto. She smirked at me and held my face. "What a beautiful sight. We met again Jade." Ramdam ko ang mabilis na pagtahip ng dibdib ko. "Hush now Jade, nagtataka ako bakit buhay ka pa." Her hands suddenly slipped inside my shirt kaya napapiksi ako. Natatakot ako sa pwede niyang gawin.
She started caressing my tummy, tracing the X scar. Nanindig ang balahibo ko nang biglang dumiin ang paghaplos niya. Her eyes darken. "Ako dapat ang nagdala ng anak ni Hera!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya, hindi pa siya nakuntento at sinabunutan niya ako. Wala akong magawa kundi ang dumaing sa sakit, mas lumakas ang takot ko dahil bumalik lahat sa alaala ko kung gaano ako pinahirapan noon.
It was a peaceful night in our house, i'm throwing up on our toilet when I suddenly heard several gunshots. I stood up and ran outside my room. Kahit na nanghihina ako ay pinilit ko ang katawan kong bumaba at bumungad sa akin ang walang buhay na katawan ng pamilya ko. Napaatras ako at hindi makapaniwala sa nakita. "Siya yon! Dalian niyo na at baka mainip si boss!" Hindi parin mag-sink in sa utak ko kung anong nakikita ko ngayon hanggang sa mapaupo ako. "This is a dream right?" I mumbled and suddenly two men suddenly tied my hands.
"S-Saan niyo ako dadalhin!?" Pinilit kong makaalis sa hawak nila pero masyado silang malakas. They was about to punch my stomach when I instinctively sat down. "Please don't hurt me! Sasama ako sainyo." I don't want to lose my baby!
They brought me to a very noisy place. Madaming babae ang hubad na nagsasayawan, may nagme-make out sa isang tabi at ang iba ay busy na sa pakikipagtalik. Pinili kong ipikit ang mga mata ko dahil sa kanilang kalaswaan. Hanggang sa nagulat ako nang itulak nila ako kaya nawalan ako ng balanse at napahiga. Napamulat ako ng mata at nagulat sa nakita. "J-Jason?" Binalot ng kaba at takot ang puso ko. Nakaupo siya sa harap ko at nakangisi na parang isang demonyo.
"Magandang gabi aking mahal." Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. He looks like a devil in my eyes. Pulang-pula ang mga mata niya na parang naka-droga at amoy ko din ang alak sa buong paligid. Itinayo ako ng mga kasamahan niya at pinahiga sa isang kama bago itali ang mga kamay at paa ko. "J-Jason parang awa mo na. Huwag mong gawin to!" Lumabas ang mga kasamahan niya at kaming dalawa lang ang naiwan sa silid kaya mas lalong lumakas ang takot ko. Basang-basa na ang mukha ko dahil sa luha pero wala akng pakealam!
"Sigurado naman akong nagalaw kana ni Hera kaya ngayon akin naman ang katawan mo!" Tumawa siya na parang demonyo at nang gabi ding iyon ay nilapastangan niya ang katawan ko. Hindi siya tumigil kahit na ilang beses na akong nagmamakaawa at nagpumiglas at nang akala kong tapos na ay nagsisimula palang pala ng kalbaryo ko.
Dumating si Maxene na may dalang whip at iba't-ibang kutsilyo. Itinali nila ako sa isang poste. "What a view! No wonder naulol si Hera sayo!" Pagod na pagod na ang katawan ko at hirap na hirap na ako pero pinipilit kong lumaban dahil sa anak ko. Nandidiri ako sa sarili ko dahil sa ginawa ni Jason. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni Hera kahit na alam kong hindi niya ako maririnig. Umaasang dadating siya at ililigtas ako.
Napasinghap ako at sumigaw dahil sa sakit nang dumikit sa palad ko ang whip na hawak ni Maxene. Kinagat ko ang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo doon. Paulit-ulit kong tinatawag si Hera sa isip ko kahit na pagod na pagod na ako at ramdam ko na din ang unti-unting pagkawala ng lakas ko.
"AAAHHH!" Ramdam ko ang sakit na nanunuot sa balat ko dahil sa hampas ng whip. Hindi pa sila nakuntento at paulit-ulit na hinampas ang katawan ko. "T-Tama na..." Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko dahil sa sobrang sakit. "NARARAPAT LANG 'YAN SAYO DAHIL SA PANG-AAGAW MO KAY HERA!" Sigaw ni Maxene at muling pinagsawaan ang katawan ko sa pamamagitan ng paghampas ng whip. "AHHHHHHH!" Napatingin ako sa tiyan ko at nakita ko ang pagragasa ng dugo. Punong-puno na ng dugo ang katawan ko at pagod na pagod na ako. Sa bawat sakit na nararamdaman ko ay kasabay non ang paulit-ulit na pagtawag ko kay Hera sa isip ko. Hindi ako nawalan ng pag-asa.
Sumibol ang pag-asa sa puso ko nang marinig ang sasakyan ng mga pulis. "MAMATAY KANA JADE!" Sigaw ni Jason at sinaksak ang isang malaking kutsilyo sa tiyan ko. "A-A-Ang an-anak k-ko..." Ang huli kong nasabi bago dumilim ang buong kapaligiran.
Isang ngisi ang pinakita ni Maxene. Gusto kong makawala at pagbayarin siya sa ginawa niya pero mahigpit ang tali sa kamay ko. Ramdam ko ang galit sa puso ko, wala silang awa! Pinatay nila ang anak ko! Dinungisan ang puri ko pero heto at malayang-malaya sila! "Gusto mo bang ulitin ulit natin ang pagpapahirap sayo? I miss the pained face of yours." Tinatagan ko ang sarili ko at hindi nagpadala sa takot na nararamdaman ko.
'Alam kong darating ka Hera. I know you'll save me this time.'
"Tama na yan Maxene. Hintayin natin si Hera para makita niya kung paano natin pahirapan ang babaeng pinakamamahal niya." Ang boses na yon! Si Jason! Nakita ko siya mula sa likod ni Maxene na nakangisi habang nakatingin sa akin. "Well, let's give her a surprise then." Sabi ni Maxene at tinggal ang nakatakip sa bibig ko at mabilis na naglabas ng kutsilyo at sinaksak ang balikat ko! "AAAHHHHHHHHHH!" Ramdam na ramdam ko ang sakit sa pagbaon niya ng kutsilyo. Agad niya itong hinugot at pabalya akong pinaupo. "AHHHH! TAMA NAAA!" Sinugatan niya ang pisngi ko dadagdagan pa sana niya ito nang pinigilan na siya ni Jason.
"Tama na muna yan Maxene. Padating na si Hera." Sabi nito kaya tumango si Maxene at iniwan ako dito sa gilid.
I am relieved since nandito na si Hera. Hindi niya ako binigo, kampante na akong makakaligtas kami. "Let me hug her then for the last time before I go with you." Seryosong sabi ni Hera kina Maxene. I doubt it kung maniniwala sila sa sinabi nito but Maxene and Jason nodded at dali-daling lumapit sa akin si Hera.
"I will save you Jade. The help is on the way now I need you to be strong." She secretly handed me a knife kaya agad ko iyong hinawakan ng mahigpit. "I will." Bulong ko at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. "Now we can get married Hera!" Sa nakikita ko ngayon may problema na sa pag-iisip si Maxene at Jason.
Biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si Sabrina na nakangisi at nakatutok ang baril kay Maxene. "I don't think so Maxene." Jason was about to shoot her nang maunahan na siya ni Hera. Agad niya sinipa ang tuhod ni Jason dahilan para mawalan ito ng balanse at nakipaghalikan sa lupa. Pumasok si Rose at Kyla at may inihagis na baril kay Hera.
"Hi Jade! Sorry late kaming dumating!" Natatawang sabi ni Kyla na ikinakunot ng noo ko. "It's game over for the both of you." Ramdam ko ang galit sa boses ni Hera at nagulat ako nang kalabitin niya ang gatilyo at tumama ang bala sa braso ni Jason. Hindi pa nakuntento si Hera at walang tigil na pinagsusuntok si Jason. Naiiyak ako sa nakikita ko, Hera is fuming mad and i'm starting to get scared. Inalalayan akong tumayo ni Rose at tinanggal ni Kyla ang pagkakatali ng kamay at paa ko.
"You tricked me!" Galit na sigaw ni Maxene. "You tortured my wife!" Nagulat ako nang mariing tadyakan ni Hera ang likod ni Jason at tinutukan ng baril si Maxene. She turned pale when Hera aim the gun straight to her forehead. "Kayo and dahilan kung bakit nasira ang buhay ni Jade! Dapat lang sainyo ang mamatay!" Nanggigigil na sigaw ni Hera
"Nararapat lang sakanya iyon dahil inagaw ka niya sakin!" Sabi ni Maxene na umiiyak na. Hera suddenly grab her neck and pinned her to the wall. Akmang kakalabitin na ang gatilyo nang mabilis akong tumayo at niyakap si Hera.
"No Hera. That's enough, ayokong makapatay ka ng tao. Let God and the law punish them." Sabi ko at masuyong hinaplos ang kamay nito. "I love you so much Hera." Sabi ko at dahan-dahan na itong humarap sa akin na malambot na ang ekspresyon sa mukha. I smiled at her and caressed her cheek. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hablutin ni Maxene ang baril na hawak ni Hera pero bago pa niya iyon itutok sa amin ay agad kong tinulak si Hera at wala sa sariling sinuntok si Maxene sa mukha. Nawalan ito ng malay at dumudugo pa ang dalawang ilong.
Nang humarap ako sakanila ay nanlaki ang mga mata nila. "Remind me not to anger you." Tulalang sabi ni Hera at agad na tumayo para yakapin ako. "I love you too Jade. Please stay with me." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Of course Hera." Natatawang sabi ko at hinalikan ang noo niya kahit na tumingkayad pa ako para lang maabot siya.
"Ehem. Pwede na ba tayong umuwi? You're also bleeding Jade. Kailangan nating magamot 'yan agad" Nakangiting sabi ni Rose sa amin kaya natawa kami. Nagsipasukan ang mga pulis sa loob at isa-isang pinosasan ang mga tauhan nina Maxene at Jason. "I promise that they will pay for what they did to you." Ngiti lang ang isinagot ko kay Hera at hinawakan ang kamay niya. "Does it hurt?" Tanong niya at tinalian ng panyo ang sugat ko kaya nangiti ako.
"Umuwi na tayo." Nakangiting sabi ko na ikinatango niya.