“Ugh,” asar na tinakpan ko ang tenga ko ng unan nang marinig ko na naman ang nakakabwisit na tunog ng cellphone ko. ‘Jusko, ilang buwan na ako sa ganitong trabaho pero hangganga ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay na ganito ang sitwasyon ko palagi. Ano na lang ang mangyayari sa akin ngayon?’ I thought habang pinipilit ang sarili ko matulog muli at huwag pasinin ang malakas na tunog ng ring tone ko. “Agh! Shutangina!” malutong na mura ko at gigil na inabot ang cellphone ko mula sa bed side table. Pikit matang sinagot ko ang cellphone ko nang hindi manlang tinitignan ang screen niyon para makita kung sino ang tumatawag. “Hello?” syempre pinabait ko ng kaunti ang boses ko. Mahirap na at hindi pala si Candice ang tumatawag kahit nasanay na ako na siya lang naman ang palaging tumatawag s

