“Saan ka pupunta?” takang tanong ko kay Candice nang makita kong pababa rin siya ng sasakyan. Takang tinignan niya pa si Thea at si Lucas bago sumagot sa akin. “Sasama sa iyo?” mahina akong natawa nang tila hindi manlang siya sigurado sa sinabi niya. “Anong nakakatawa?” kunot ang noon na tanong niya sa akin. “Nothing, anyway wag ka nang sumama. Kaya ko na. I-check ko lang naman kung nandito si Franco,” bilin ko sa kaniya. Candice’s brows furrowed. “Anong mag-isa ka lang aakyat doon? Paano na lang kung alam pala niya na pupunta ka ngayon tapos may pinaplano pala siyang masama sa iyo ha? Pag kami k*****y ni Mr. Tan dahil may nangyari sa iyong masama, bibitayin talaga kita ng patiwarik!” banta niya sa akin. “Jeez, Candice. Hindi naman ganoon kasama si Franco!” defensi

