CHAPTER 19

4999 Words

Pupungas-pungas akong gumising at kinapa ang cellphone ko nang marinig ko iyong tumunog. "Agh, asan na iyon," iritadong tanong ko sa sarili at pinilit na minulat ang isang mata ko dahil. Agad naman akong nakaramdam ng pait doon dahil anong oras na akong nakatulog kaninang umaga. Pagkatapos ng ilang segundong pagkapkap ko sa cellphone ko at huli ko lang napagtanto na hinihigaan ko na pala iyon. "Oh s**t!" malutong na mura ko at agad na bumangon at sinuri ang cellphone ko kung meron ba iyon basag o ano.  "Jusko!" sapo ang dibdib na sabi ko at nakahinga ng maluwag nang makitang hindi naman iyon nabasag sa weight ko. 'Nyeta naman Chessa, binigyan ka na ngalang ng cellphone muntik mo pang sirain,' parang nanay na sita ng kabilang utak ko.  "Hindi ko naman sinasadya," tirik ang matang sabi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD