Ang balak na tuluyang iwasan si Giuseppe ay hindi nangyari. Bagkus lulong na lulong na siya sa karisma nito. Nasanay sa siya at hinahanap hanap na rin niya pati presensya ng binata.
They're having brunch in Italiana's when two gorgeous woman approach them. Saglit siyang namutla nang mapagsino ang isa. Paano niya makalimutan ang babaeng nanabunot at sumampal sa kanya? Ilang buwan na ang nakalipas pero naalala pa rin niya ang bagsik ng mga mata nito. Bakit lumapit ang dalawa sa kanila?
Nabigla na lang siya nang walang paalam na tumabi ang kasama nito kay Giu. Wala siyang maapuhap na sabihin dahil mataman ding nakatitig sa kanya si Luisa. Pilit siya nitong kinikilala.
"What a coincidence?" Patuyang wika ng babae. "Ang malanding mang aagaw."
"Watch your language Luisa",hindi niya mapigilang saway habang kuyom ang mga kamao sa ilalim ng mesa.
"Do you know her?" Ani Giu. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Luisa.
"She's Benedict's girlfriend", sagot niya sa lalaki. Sana'y maalala nito ang kwento niya tungkol sa nangyari.
"Ex-girlfrend", malditang singit ng babae. Naupo na ito sa bakanteng upuan katabi nang kasama nito na panay ang pacute kay Giu na lalong ikinairita niya. "He broke up with me because of you."
Mabuti nga! Ang sama naman kasi ng ugali mo! Ngali-ngali niyang sabihin. Ngunit nagpigil siya. She's not into catfight at wala siyang balak patulan ang pagsisintir ng babae. Mas nanggigigil siya sa pag uusap ng dalawa na para bang hindi sila kaharap.
"You should at least give him a chance to explain", malumanay na pahayag niya. Kung tutuusin mababaw lang ng dahilan ang pag aaway ng mga ito.
"Explain what? That he cheated on me?"
"He never cheated on you!"
"Says who? The woman who slept in his room? Sabihin mo ngayon sa akin, nandon lang ba kayo para mag rosaryo?huh?"
Ang bastos ng bunganga ng babae. Uminit na rin ang kanyang ulo dahil wala yatang balak si Giu na tulungan siya. Napapatingin na rin sa kanila ang ibang kumakain doon.
"You know what? Tama lang din na hiniwalayan ka niya. He don't deserve someone like you. You never trusted him all along. He deserves someone better!"
Saka walang paalam na tumayo at iniwan ang tatlo sa mesa. Hindi siya nagagalit kay Luisa. Mas nagagalit siya sarili dahil nakaramdam siya ng pagseselos sa paraan ng pagngiti ni Giu sa babaeng kausap nito. She's jealous. Isang bagay ang tumimo sa kanyang isip. She's falling for him. Hindi pa siya nakakapara ng taxi ay may humagip na sa kanyang mga braso. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino iyon dahil amoy pa lamang nito ay alam na alam na niya.
"I'll grab a taxi. Go back inside. Seems that you're enjoying their company",hindi mapigilang patutsada niya. Saglit itong natigilan. Hindi na siya nakaangal ng hilain siya nito papunta sa sasakyan nito.
Nanatili siyang tahimik kahit nasa biyahe na sila pauwi.
"Are you jealous?" Basag nito sa katahimikan. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa pagmamaneho.
"Why would I?" Matabang niyang sagot. Ayaw niyang pag usapan. Ayaw niyang isipin. Ayaw niyang maramdaman pero nagpupumilit na umuukilkil sa kanyang isip na nahuhulog na siya sa lalaki. At hindi magandang ideya iyon. Wala silang label. Wala itong binanggit. Ni hindi nga siya nito gusto. "Umuwi na tayo."
"Okay."
"That woman--
"I don't want to talk about it Giu. Please. Just drive me home."
Buntung-hininga lang ang naging tugon nito. Tumahimik ulit ang loob ng sasakyan na ipinagpasalamat niya. Nakakapag isip siya ng maayos. Sana lang pagdating sa unit niya ay hindi muna ito susunod.
Sa loob ng ilang buwan ay doon na ito natutulog. Doon na rin tumutuloy kapag galing sa trabaho. Nagmukha silang mag live in ngunit alam nila pareho na walang sila. Ayaw niyang magtanong dahil natatakot siya. She's afraid to be rejected.
Ngunit paano niya malalaman ang sagot kung hindi niya susubukan? Kung wala,e di wala. Mas mabuti na yung maaga pa lang malalaman na niya para maka move on na siya agad.
Isang gabi, pareho silang tahimik na nakahiga. Pareho silang nagpapakiramdaman. Humiga siya patagilid patalikod dito. Kapwa sila hubad sa ilalim ng kumot dahil kakatapos lang nila sa mainit na pagniniig. Ang hindi niya pagpansin dito buong maghapon ay nauwi sa mainit na pagtatalik.
"I'm jealous", pagkuway sabi niya. Mariin siyang pumikit at lihim na humugot ng malalim na hininga. Wala siyang narinig na tugon mula dito. Nakagat na lamang niya ang pang ibabang labi. Ito na nga ba ang sinasabi niya. But it's now or never. She have to tell him what she feels para matahimik na siya.
"You know why? Because I love you Giu.... I've never been in this kind of fee--
"Stop",may diing sambit nito. Nahugot niya ang hininga kasabay ng mahinang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang ikli lang ng sinabi nito pero naghatid iyon ng libo-libong kurot sa kanyang dibdib.
Paggising niya sa umaga ay wala na ito sa kanyang tabi na unang beses na nangyari. Pinilit niyang ayusin ang sarili kahit tinatamad siyang gumalaw. Nahahalata na rin ni Jen ang kanyang katamlayan ngunit isinawalang bahala na lamang niya ang nagtatanong nitong tingin. Pakiramdam niya pagod na pagod siya kahit maghapong wala naman siyang ginawa.
Nadagdagan ang sama ng kanyang pakiramdam nang pumasok sa kanyang boutique ang taong hindi niya inaasahang makikita roon. Sa kabila ng mabait nitong ngiti ay hindi niya magawang ngumiti pabalik.
"Hi,how are you?" Friendly na bati nito. Hindi niya feel ang palakaibigang tono nito. Naiirita siya sa boses ng babae.
"I'm good,until you came."
Napatikhim naman ito sa sinabi niya. Alam niyang nagiging rude na siya pero wala siyang pakialam. Mabigat ang pakiramdam niya sa babae.
Paano kaya nito nalaman ang boutique niya?
Malamang kay Doc!
"Look, I'm here not to ruin your day. I'm not a b***h here you know."
"Sabihin mo na kung anong kailangan mo. I don't have a time for small chit-chats", pasupladang wika niya.
Pinagsalikop muna nito ang mga kamay bago seryosong tumitig sa kanya.
"You're beautiful Bettina", umpisa nito. At alam pala nito ang kanyang pangalan. "You don't deserve to be played and fooled."
"What are you talking about?" Wala siyang pakialam kanina sa intensyon nito pero ngayon ay naging alerto ang kanyang pakiramdam at gusto pang marinig ang iba pa nitong sasabihin.
"You're father is Alexander Mijares, right?"
Tumango siya. Hindi na siya magtaka kung kilala nito ang buo niyang pamilya. Marahil ay mas malapit ito kay Giuseppe. Sa isiping iyon ay sumikip na naman ang kanyang dibdib.
"Giuseppe loathed your father. He's up for revenge Bettina. He blame your father why his parents got separated."
Nanginig ang kanyang kamay. Hindi niya maigalaw ang mga paa. May ideya na siya kung ano pa ang susunod nitong sasabihin ngunit gusto pa rin niyang marinig.
"He used you. He want to see you suffer. He made you fall inlove with him which I think he succeeded."
Umiling siya. Hindi siya naniniwala. Hindi man siya mahal ng lalaki alam niyang may pagpapahalaga rin ito sa kanya. Nararamdaman niya iyon. Ang sinasabi ng babae hindi totoo. Sinisiraan lang nito ang lalaki sa kanya.
"Why are you telling me this things?",gumaralgal ang kanyang boses. Pilit niyang pinigilan ang sariling maiyak. Likas na hindi siya iyakin pero nitong nakaraang mga araw ay nagiging emosyonal siya lagi.
"I am not telling this just to hurt you. I am telling this because I'm a woman too. I admit I like Giu. But we're friends so I know everything about him."
"If you're not here to hurt me, why am I hurting right now?"
"Because you love him. He don't deserve that kind of love Bettina. Giu is not capable of loving someone. I know you're aware of that."
Tama ito. Kung marunong magmahal ang lalaki sana sa dinami dami ng nadala nito sa kama ay may minahal sana ito. But he's not. He's a heartless certified manwhore.
Kahit wala na ang babae, na ni pangalan nito ay hindi niya alam. Paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isip ang mga sinabi nito. May bahagi ng pagkatao niya ang ayaw maniwala dahil umaasa siyang pinapahalagahan din ng binata ang kanyang nararamdaman.
Ngunit ang pag asang iyon ay naglaho nang hindi na umuwi ang lalaki kahit sa pad nito. Hindi na nito sinasagot ang mga tawag niya. Did he dump her already? Pero kailangan niya itong makausap. Kung sakaling totoo man ang sinabi ng kaibigan nito tatanggapin niya.
Marahil parusa iyon ng langit sa kanya sa masasamang salitang ibinato niya sa ina nito. Ilang araw nang hindi nagpapakita sa kanya ang lalaki. At pinatunayan lang niyon na totoo nga ang lahat ng narinig niya. Diba nga bago ito maglahong parang bula ay sinabi niyang mahal niya ito? That's his queue to leave her.
Naglakas loob siyang puntahan ito sa hospital. Hangga't hindi niya ito nakakausap ay hindi siya mapapalagay. She need answers. Kung bakit ito nawalang parang bula.
Hindi naman siya nabigo nang pagbaba niya ng sasakyan ay siya namang paglabas ng bintana. Napatigil ito sa paglalakad. Hindi niya mabasa ang anyo nito dahil blangko iyon at salat sa emosyon.
"Pwede ba kitang makausap?" Pakiusap niya. Nag iinit ang kanyang mga mata sa emosyong pinapakita nito.
Tumingin muna ito sa relo bago siya binalingan. "Okay, don't make it long. I have important person to meet. I don't want her wait too long."
Her.
Babae ang kikitain nito at importante.
Nasa cafeteria sila ng hospital at tahimik na magkaharap. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang sasabihin.
"Ano, magtitigan lang ba tayo rito o ano?"
"Is it true?" Mabilis niyang tanong. Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan para pigilan ang pag iinit ng mga mata sa kalamigang pinapakita nito.
"Just believe what you've heard",matabang nitong sagot. Hindi man lang muna ito nagtanong kung ano ang ibig niyang sabihin.
"But why me,Giu? Wala naman akong ginawang masama sayo? You even know that even me, I am against of their marriage."
"Dammit!" Mariing wika nito. Tiim ang bagang at pilit na hindi magtaas ng boses. "I'm just waisting my time here. If you don't believe what you heard, then it's your choice. I am not a saint Bettina. And do you think you can change me?"
Umiling siya. Una pa lang dapat sinunod na niya ang isip. Ang tipo nito ang hindi dapat pagkakatiwalaan.
"Are you happy?" Nagawa niyang itanong. Gusto niyang malaman kung naging masaya ba ito dahil nakamit nito ang tagumpay. Napaibig siya nito.
Kumuyom ang kamao nito sa ibabaw ng mesa. Tiim ang mga bagang na tumitig sa kanya. "Hindi pa yan sapat Bettina. My father almost died because of your father. Tinatanong mo kung masaya ako? Hindi, dahil kulang pa yan. Kulang pa."
Ang bawat salitang binitawan nito ay para siyang pinapatay paunti-unti. Bakit ipinahintulot ng langit na mangyari sa kanya ang bagay na ito? Dahil ba nagrebelde siya sa ama kaya kinakarma siya? Saka niya napagtantong umalpas na pala ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
Pinahid niya iyon at tumayo mula sa kinauupuan. "I hate you Giuseppe! I will hate you until the last day of my life."
"Not my problem."
Walang paalam siyang umalis doon. Pagdating sa kanyang sasakyan ay kinalma niya ang sarili. Hindi siya pwedeng magmaneho na ganoon ang sitwasyon.
Nang medyo humupa na ang kanyang luha ay saka niya pinausad ang sasakyan. Natagpuan niya ang sariling nagmamaneho patungo sa private property ng kanilang pamilya kung saan nakalibing ang kanyang yumaong ina. She need someone to talk. Di bale ng hindi siya nito madadamayan, ang importante makikinig ito.
Giu just broke her. Hindi nito alam na sa tanang buhay niya hindi pa niya naranasang magmahal. Ito pa lang. Lahat ng sama ng loob niya ay sinabi niya sa puntod ng kanyang ina. Ang kanyang mga hinanakit. Naghalo-halo ang kanyang pakiramdam na hindi niya akalaing nagawa niyang tiisin sa mahabang panahon.
Akala niya kaya niyang mag isa. Akala niya matatag siya. Nagawa niyang lumayo sa ama at kapatid niya. Akala niya habang buhay niyang kakayanin. Isang Giuseppe Russo lang pala ang magpaparanas sa kanya na isa siyang mahinang nilalang. Mahina sa tukso. Madaling nagamit at ginawang tanga.
She will never ever forgive him. Isinusumpa niyang makakatagpo din ito ng katapat nito. Ang maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Darating ang araw. Makakalimutan niya rin ito. At kailanman ay hindi na siya magtitiwala kahit kanino. Kung sana nandoon si Rafa. Ito lang ang tunay na nagmamahal sa kanya. Ngunit nasa ibang bansa ang babae. Ayaw naman niyang sabihin ang problema niya sa telepono dahil baka uuwi ito bigla at maabala pa ang trabaho nito. Kalahating taon ang kontrata nito sa Paris kaya hindi ito agad makakauwi.
Takip silim na nang pagpasyahan niyang umuwi. Tinakpan lang ng sunglass ang namamagang mga mata dahil hindi kinaya ng concealer. Napatingin siya sa katabing unit. Hindi pa rin niya sukat akalain na magagawa iyon ng lalaki sa kanya. Napakawalang puso nito.
Napakislot siya ng biglang bumukas ang pinto ng unit nito. Lumabas doon ang seksing babae. Kasunod din nito ang binatang nagbigay ng matinding pasakit sa kanya. Ito marahil ang babaeng sabi nito kaninang importante.
Mabilis niyang iniwas ang tingin nang magawi sa kanya ang tingin ng dalawa. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang pinto ng kanyang unit. Nang makapasok sa loob ay isinanday niya ang katawan sa dahon ng pinto at umiyak na naman. Tahimik niyang pinagalitan ang sarili dahil hindi niya maampat-ampat ang pagluha.
Hindi pwedeng ganoon na lang siya palagi. Kailangan niyang lumayo sa lalaki. Hindi pwedeng nakikita niya ito palagi dahil para siya nitong pinapatay. Tumunog ang kanyang doorbell pero para siyang bingi. Tinanggal niya ang pagka-kabit niyon para hindi na gumawa ng ingay sa loob.
Kahit nanlalabo ang mata niya dahil sa luha ay nagaw pa rin niyang mag empake ng kanyang gamit. Doon muna siya ulit sa condo ni Rafa. Na ipinagpasalamat niyang hindi niya noon nasabi sa lalaki. Kahit naman siguro alam nito,ay wala itong pakialam. Ang goal lang nito kaya ito nakipaglapit sa kanya ay para pasakitan siya.
Parang piniga lalo ang kanyang puso ng makita ang ibang damit ng lalaki na nakahalo sa kanyang damitan. Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga damit at iniwan ang pag aari lamang nito.
Napakunot ang kanyang noo ng may mahihinang katok mula sa labas. Hindi siya umaaasang si Giu iyon. Ano pa ang kailangan nito kung nagtagumpay na ito sa pakay sa kanya?
Mabigat ang hakbang na tinungo niya ang pinto. Nang buksan niya iyon ay wala siyang nakitang tao. Maliban sa mga paper bags na may tatak ng pangalan ng restaurant. Napatiim bagang siya. Ano iyon, pampalubag ng loob? Papakainin lang siya tapos okay na lahat? Kung noon siguro magawa niyang kainin ang ibinigay nito kahit inis siya. Pero iba ngayon ang sitwasyon, kinamumuhian niya ito.
Niyuko niya iyon at nilipat sa pinto ng lalaki saka bumalik sa loob.
Hindi niya alam ang pakulo nito. Baka mas malala pa kesa sa una ang pakay nito. At baka sa pagkakataong iyon ay hindi na siya makakabangon pa.