Giuseppe
He never felt insulted in his entire life. Ngayon lang. Sa babae pang halos isumpa niya ang pamilya nito. Naihagis niya ang basong may lamang alak. Hindi niya matanggap na iisang kagaya lang nito ang magpaparamdam sa kanya ng insecurity. He never felt such thing, pero sa sinabi ng dalaga parang siya na ang pinaka nakakadiring nilalang sa balat ng lupa. How dare her? Hindi ba nito alam na halos lahat ng babaeng nakakasalubong niya ay halos magmakaawang ikama niya? Because he's Giuseppe Russo. He had everything. Pati social media ay kontrolado niya sa saklaw ng kanyang pagkatao. He has a title to take care of.
Mas lalong siyang nanggigigil na mapalapit dito. Gusto niyang ipakain dito ang lahat ng binitawan nitong salita. And the taught that she's a virgin made him desperate to have her. He promised to himself, that she will fall on his knees. And he can't wait for that day.
Hindi siya susuko sa pagpapaamo dito. Lalo pa at alam niya ang weakness nito. Food.
He lied when he said he saw her once. Dahil ang totoo lahat nang restaurant na napasukan nito ay alam niya. He always has an eyes for her. Hindi niya maiwasang mapailing tuwing naaalala kung gaano ito kalakas kumain. Mas malakas pa yata itong kumain kesa sa kanya.
"Ni hindi naman tumataba."
______
Tina
Gusto niyang mairita ng malabasan na naman niya ang mga bulaklak na iyon. Hindi ba nagsasawa ang lalaki sa ginagawa nito? Daig pa nito ang isang manliligaw kung makapagpadala ng mga bulaklak.
Todo effort para makatikim ng s*x!
Ilang araw na niyang iniiwasan ang lalaki. Nakikita pa lang niya ito sa malayo ay umiiwas na siya. Dibale ng pagsabihan siyang duwag, wala siyang pakialam. Kung makikipagkaibigan man siya sa isang lalaki ay hindi sa katulad nito. Matakaw sa s*x at walang pinipili. Seriously,hindi paba ito nagkakatulo sa iba't ibang babaeng natikman nito? Ipinilig niya ang ulo, hindi dapat niya pakaisipin ang lalaki. Bad vibes ito.
Ngunit sa kakaiwas niya, sa pagkakataong iyon ay hindi umayon ang panahon sa kanya. Pagpasok niya sa elevator ay siya ring pagpasok nito.
"You're really ignoring me", umpisa agad nito. Kung ang kamalasan nga naman kapag sunod-sunod. Bakit sa pagkakataong iyon pa na walang ibang lulan ang elevator kundi sila lang dalawa?
Malakas siyang bumuntung-hininga.
"Yes I am", prangkang wika niya. "And don't ask me why."
Nang huminto ang elevator sa ground floor ay mabilis na siyang lumabas. Mabilis naman ang hakbang nitong sundan siya. Sa pagkakataong iyon ay nahiling niya na sana may babaeng susulpot doon at lalandiin ito. Naiirita siya sa presensya nito.
Dahil lalakarin lang naman niya papunta sa kanyang boutique ay nagkaron ng pagkakataon ang lalaking sabayan siya.
"So this is your everyday routine?"
Malakas siyang bumuntung-hininga bago ito nilingon. "Ano pa ba ang kailangan mo? I'm okay now. I'm not sick anymore. Ano ba talaga ang gusto mo?"
"I just want to be your friend", mapagkumbabang sagot nito. Nauubusan siya ng pasensya dito sa totoo lang. Ano ba ang hindi nito naiintindihan? Ayaw niya itong maging kaibigan.
Marami siyang gustong ibatong salita dito ngunit pinili na lamang niyang itikom ang bibig at nagpatuloy sa paglalakad.
"Have some breakfast with me", sabi ulit nito. He is bribing her with food. Sorry na lang hindi siya marupok ngayon. Dahil hindi siya gutom.
Inignora niya ito at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
"Actually I've ordered a cheesy lasagna from Italiana's. We can eat it in your store."
Napatiim bagang siya. Pati pagkaing paborito niya ay alam nito. Kaya lang minsan sakit niya ang hindi makatanggi sa libre. Obvious na tinutukso siya nito. Hirap man siyang aminin sa sarili pero kinain din niya ang pinapadala nito laging pagkain. Ang rason niya, maraming nagugutom.
"I really like their lasagna, you know. It's full of cheese and yummm! Very creamy. But seems you don't like it."
Tumigil ito sa kakasunod sa kanya. Kagat labi siyang lumingon dito.
"Darating ba agad?"
Biglang lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi niya.
"I think it's already on your store. Come on!" Hindi na siya nag inarte pa at nagpahila na lang rito. On the first thought, hindi pa pala siya nag agahan. Paano pa siya tatanggi?
Marupok!
_____
"Hindi mo tinanggap ang mga bulaklak", pagkuway sabi ng lalaki. Pinagsaluhan na nila ang pagkaing inorder nito. Si Jen naman ay kakaunti lang ang kinain dahil diet kuno.
"I don't like flowers", deretsang sagot niya. Sana lang ay wala itong ibang mapuna pa.
"But you take the tulips", giit nito. Gusto niyang kutusan ang sarili. Bakit ba kasi ang dami niyang weaknesses. Iba-ibang klase ng bulaklak ang pinapadala nito. Ayaw niya sa totoo lang, pero hindi niya mapigilan ang sariling kunin ang iilang pirasong tulips na nakahalo. Paborito niya kasi iyon.
"You take all the foods also", dagdag nito. Napatigil siya sa pagsubo.
"Naniningil ka ba? Magkano? Babayaran ko na!" Sabay irap dito. Kulang na lang ipamukha nito sa kanya na patay gutom talaga siya.
"Hindi ko maatim magtapon ng pagkain lalo pa at libre naman. Maraming nagugutom",yun ang laging linya sa kahit kanino tuwing napapag usapan kung gaano siya kalakas kumain.
"I'm not saying anything", natatawang sabat nito. Napailing na lang siya. Ilang minutong tahimik lang siya at itinuon na lang ang pansin sa pagkain. Saka ito muling nagsalita.
"How's your father?"
Napaangat siya ng tingin dito. Hindi na mababanaag ang panunukso sa mga mata nito. Bagkus naroon ang kaseryosohan sa anyo ng binata.
"You mean, how's his married life?" Napailing siya sabay tawa ng mapait.
"I don't care what life they had together Giuseppe. To be honest, wag ka sanang magagalit. But I don't really like what my father did. I don't like your mother. She never respect our mourning. I mean, hindi man lang niya muna pinalagpas ng isang taon ang pagkamatay ng mommy ko bago siya pumasok sa buhay ng daddy ko. Sa buhay namin. Maybe people keep on saying that I'm a selfish brat. But they weren't in my shoe to judge me."
Mabilis niyang tinapos ang pagkain saka tumayo. Napasunod lang ang tingin ng binata sa kanya na hindi na nagawang makapagsalita dahil sa burst out niya. Naalala na naman niya ang paghihimagsik niya dahil sa ginawa ng ama.
"By the way, thank you for the food. But please, I hope this will be the last time you'll do it. Honestly,hindi ko itatanggi na kahinaan ko ang pagkain. And also the flowers,just stop sending me those."
" I will just stop if you'll let me be your friend",mahinang sabi nito. Malakas siyang napabuntung-hininga.
"Okay",labag sa loob na sang ayon niya. "Just friends. No flirting,no monkey business."
"You look really cute when you're bossy", pilyong pahayag nito.
Umiling lang siya. "I'm dead serious, Giuseppe. I really don't like your reputation, honestly."
"Me neither, I'm dead serious. You look really really cute."
Gusto man niyang umangal sa sinabi nito ay hindi niya magawa dahil nahulog siya sa malalim na pag iisip. Tama ba ang naging desisyon niya? Kung hindi sana ito anak ng kanyang madrasta ay hindi siya magdadalawang isip na tanggapin ang pakikipagkaibigan nito. Hiling niya lang na hindi magtagpo ang landas nila ng ina ng lalaki. Dahil hindi niya alam kung kaya ba niyang itago ang galit rito.
"Hey. Don't worry. I'm not close to my mother",tila nabasa nito ang tumatakbo sa kanyang isip. "Me too, were against to their marriage."
Bahagya siyang nakahinga ng maluwag sa pahayag nito ngunit ayaw niyang paka kampante. She shouldn't give her whole trust in him.
Nang magpaalam na ang lalaki ay hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin. Napatingin siya kay Jen na sinusundan din nito ng tingin ang binata at nanunuksong bumaling sa kanya.
"Maam--
"Wala kang nakita. Wala kang napansin",agad niyang putol sa anumang sabihin nito. Alam niyang panunukso lang ang tanging lalabas sa bibig nito at hindi niya iyon gusto. Ayaw niyang bigyan nito ng malisya ang pakikipaglapit ni Giuseppe sa kanya.
"E maam, nung nakaraang araw po kasi halos tadtadin niyo na sa sama ng tingin",pigil ang tawang sabi nito. Pinandilatan niya ito ng mata. Tsismosa talaga ng babaeng ito.
"Sige, pagpatuloy mo lang yan. Baka hindi kita matantiya at maglalagay na ako ng plaka sa labas na hiring."
"Ay si Ma'am,hindi mabiro. Pero ma'am,infairness bagay kayo ni Doc."
"Jen!" Bulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig nito. At ang magaling na babae ay agad na nakalayo sa kanya nang makitang tuluyan siyang napikon sa sinabi nito.
Inis na bumalik siya sa kanyang opisina. Nauwi sa buong maghapon ang ginawa niyang pagtambay sa loob. Marami siyang bagay na iniisip. Una ay ang sitwasyon niya. Pangalawa ang pakikipaglapit ng binata sa kanya ay isang malaking palaisipan sa kanya. She should be careful. Ingatan niya ang sarili at baka mahulog dito. No, hindi mangyayari yon. Kahit ito pa ang kauna-unahang lalaking nakakuha ng kanyang pansin ay hindi siya dapat magtiwala rito. Paano kung s*x lang din pala ang habol nito sa kanya.
Malakas siyang bumuntung-hininga. Nakapagdesisyon na siya. Mamayang gabi hahanap siya ng lalaking pwedeng magdeverginize sa kanya. Hindi naman sa pagmamayabang maraming nahuhumaling sa kanyang alindog. Kaya ang maghanap ng maka one night stand ay hindi mahirap gawin. Siguraduhin niya lang na hindi niya makikilala ang lalaking makakatalik.
_____
Desperada na kung desperada. Pero hindi na siya bata. Siya na lang yata ang bente singkong birhen sa panahon ngayon. Bakit pa siya magpapakipot kung may madali namang paraan para gumaling siya?
Hindi niya iyon sineseryoso pero ayon sa doctor maaaring maging sanhi iyon ng pagkakaron ng bukol sa kanyang obaryo dahil nagiging abnormal ang daloy ng kanyang regla. At may tsansang magkakaron siya ng cancer.
Naalala niya ang ina, namatay ito sa cancer. At hindi malabong iyon din ang ikakamatay niya kung sakaling magmatigas pa siya. She need to do the right thing.
Get rid of it naalala niyang sabi ni Doctora Cynthia. Huminga siya ng malalim at binigyan ng huling sulyap ang kanyang ayos sa harap ng salamin.
"Get rid of it."
Paglabas niya ay siya namang paglabas ng kapitbahay niya. Kimi niya itong nginitian. Muntik na niyang makalimutan na magkaibigan na pala sila ng binata.
Nakascrub ito at sigurado siyang papasok na ito sa hospital dahil sa ayos nito.
"Where are you going?" Tanong nito. Sinipat pa nito ang kanyang ayos mula taas pababa. Saka na niya ito sinagot nang nasa loob na sila pareho ng elevator.
"Maghahanap ng manggagamot",nagawa niyang biro. Kahit ang totoo ay kinakabahan siya sa iniisip niyang hakbang.
"What?" Kunot noong tanong nito. Tuluyan na itong lumipat sa kanyang harapan. "Seriously?"
"Uhuh", sigurado niyang tango. "I think it's the right time. I should have done it before anything get----
ngunit hindi na niya natapos ang pangungusap ay hinawakan siya nito sa braso. Tumigil na ang elevator at bumukas iyon ngunit mabilis iyong pinindot ng lalaki at binalik sa taas.
"Hey!" Kaagad niyang saway. Ngunit madilim ang mukha nito at pilit siyang kinaladkad pabalik sa kanyang unit.
"Open your door",mariing utos nito. "You'll open it or I will lock you up in my room?"
Sukat sa sinabi nito ay tuluyan na siyang nakahuma. Padaskol niyang hinila ang braso at hinarap ito.
"You don't have a right to drag me like that!" Gigil niyang wika. "At ano bang problema mo? Ha?"
Akma pa sanang magsalita ito ng tumunog ang cellphone nito.
"s**t! Stay where you are and don't you ever go",babala nito sa kanya. Sinamantala niya ang pagsagot nito ng tawag at mabilis na tinakbo ang elevator. Humabol naman sa kanya ang lalaki ngunit hindi na ito nakaabot dahil mabilis niyang pinindot ang close button at ang ground floor.
Huh! Sino ito para manduhan siya? Hindi porket pumayag siyang maging magkaibigan sila ay may karapatan na itong kaladkarin siya. Sa tanang buhay niya hindi pa siya nakaladkad ninoman. Kahit ng kanyang mga magulang. Ito pa lang. Sukat sa naisip ay bumalik ang inis niya dito.
Laking pasalamat niya at may taxi na agad sa labas ng gate nang makalabas siya. Wala siyang balak magmaneho because she has a plan to get wasted tonight. Ayaw niyang maalala ang mangyayari sa kanya. For every girls maybe they want it special. Pero para sa kanya isa iyong bangungot.
Nilingon niya saglit ang gusali bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Napahigpit ang hawak niya sa pouch. Naroon ang ilang pirasong condom na binili niya kanina bago umuwi galing sa kanyang boutique.
Ibang bar ang pinuntahan niya. Hindi siya doon sa madalas na puntahan nila ni Rafa. May iilang kakilala sila doon at ayaw niyang magkalat doon kung sakali. Pinili niya ang medyo may kalayuan doon.
Naalala niya ang mukha ni Giu. Anong binabalak ng lalaki? Ang pigilan siya? At ano ito ang makinabang? Nunca, hindi pa rin maalis sa isip niya ang lantarang pagsabi nito na maikakama siya.
It's now or never. Gagawin niya iyon sa kahit kaninong lalaki ngunit hindi dito. Hindi siya makakapayag na magtatagumpay ito sa sinabi nito sa kanya. Never!