Chapter 2 : Secret

1494 Words
Gustuhin mang bumalik sa kama ni Vera ngunit hindi na nito nagawa dahil paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga maiinit na tagpong pinagsaluhan nilang dalawa ni Damon. Alam niya namang may kulang sa tuwang nararamdaman dahil kahit napagtagumpayan nitong labanan ang tukso sa unang gabi ng muli nilang pagkikita, puyat at matinding panghihina naman ang inabot niya kinaumagahan. Hindi na nga rin nito maalala kung paano naglaho na parang bula ang binata pagkatapos marinig ang boses ng madrastang halatang hindi mapakali sa kakahanap sa unico hijo. 'Paranoid lang?' Iyan na lamang ang nasabi niya sabay subsob ng mukha sa malambot na unan kagabi. Kinaumagahan, alas tres pa lamang ng umaga pero mulat na mulat na ang mga mata ni Vera. Naninindig man ang mga balahibo nito sa katawan dahil sa sobrang lamig ngunit nanatili ang determinasyon niyang bumaba ng pantry para kunin ang pinatago nitong flavored beers kay Rosalie. Si Rosalie lang naman kasi ang pinaka-close at pinagkakatiwalaan niyang kasambahay sa mansyon kahit kung tutuusin ay halos tatlong taon lamang ang tanda nito sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali, noong buhay pa ang kanyang mommy ay pinagkakatiwalaan rin nito ng sobra ang yumaong ina ng kasambahay kaya naman naging gano'n na rin ang turing niya rito. "Saan mo ba tinago, Rosalie?" pabulong niyang reklamo habang naghahanap. Lihim pa siyang napailing dahil sa pagkakatanda nito ay sinigurado niyang maingat ang pagkakabalot ng box na nagsisilbing lagayan ng sekreto, maaari nga itong mapagkamalang dessert box sa unang tingin at hindi mahahalatang pampagising pala ng kaluluwa ang laman. "Gotcha!" Gano'n na lamang kabilis na lumiwanag ang mukha ni Vera nang makita ang pakay. Sa mga oras na ito ay wala nang makakapigil sa kanya, balak niya kasing lumiban muna ngayong araw sa lahat ng klase at magkulong sa kwarto kasama ang sekretong pampagising. Pampagising lang ba talaga? Napabuntong-hininga siya dahil mas mabuti yatang sabihin na pampawala rin ng sama ng loob ang binili nitong flavored beers mula sa kaliwa't kanang stress sa puder ng ama. Nakakainis mang sabihin, ngunit mas lumala pa iyon ngayong maliban sa madrasta ay alam niyang mas lalong gugulo ang mundo dahil sa tinaguriang step brother. Akmang kukunin na sana nito ang box nang bigla siyang mapapitlag sa kinatatayuan. "Pusang gala!" "Good morning, baby." Sinubukan niyang panatilihin ang katahimikan sa buong pantry kahit muntik na itong mapasigaw nang makita ang bangungot na pilit nitong iniiwasan. "Good morning, baby. Did you dream about me?" Mas pinili niyang huwag umimik. Itinatak nito sa kokote na wala siyang ibang agenda ngayong umaga kung hindi makuha ang pakay sa loob ng refrigerator. Pero paano niya 'yon magagawa ngayong nasa likuran nito si Damon? "I said good morning, hindi mo ba ako narinig?" Bumuntong-hininga ito. "Narinig..." "Then?" "Wala," maiksi niyang sagot habang nakatingin pa rin sa loob ng refrigerator. "For your information, hindi required sa mansyong ito ang greetings." "That's odd." Malakas na napaigham si Damon. Sasawayin niya sana ang ginagawa nito pero laking gulat niya sa sumunod na ginawa ng binata. Basta na lamang kasi nito sinarado ang pinto ng refrigerator na para bang wala itong pakialam kung matamaan siya. Mabuti na lang at mabilis na kumilos ang katawan niya papalayo. "Anong ginagawa mo, Damon? Balak mo rin bang sirain ang umaga ko?" inis niyang sambit. Sadya namang napakahirap para ditong magtimpi at kontrolin ang inis na nararamdaman dahil sa pagiging kulang sa pansin ng binata. "What do you mean?" ani Damon kahit halata namang pinipigilan nito ang mala-demonyong ngiti. "I came here because I'm thirsty." Puno ng disappointment siyang napabuga ng marahas na hininga habang nakatingin dito. "Sinungaling." "I'm telling you the truth, baby. I came here to have some cold water." Walang gana niya itong tinitigan. "Lie to the person who is not aware that you have a six cubic fridge in your room." "How did you know?" namamanghang tanong ni Damon. "Don't tell me—" Hindi nito hinayaang matapos ng binata ang balak sabihin sa takot na baka sa iba na naman mapunta ang usapan. Malinaw naman na wala siyang balak mapalapit dito kahit sabihing nakatira na sila ngayon sa iisang bubong. "Hindi ako pumasok sa kwarto mo pero nakita ko kung paano naghanda ang bruha para sa pagbabalik mo." "Is that all?" tanong nito, halatang hindi nakuntento sa ibigay niyang sagot. Mabilis siyang tumango habang naghahalo ang asar at inis na nararamdaman. Gustong-gusto niyang buksan ulit ang refrigerator pero hindi niya magawa dahil alam nitong maari siyang mapahamak dahil kay Damon. Wala na tuloy siyang ibang choice mamaya kung hindi lubusin ang kabutihang ipinapakita ni Rosalie at ipahatid na lamang sa kwarto ang gusto niyang kunin. "Yes, so if you'll excuse me..." Humakbang ito papalayo habang masama pa rin ang loob. "Stay." Awtomatiko siyang nasemento sa kinatatayuan hindi lamang dahil sa malalim na boses ni Damon kung hindi sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. "Bitawan mo ako!" pagmamatigas nito. Mabilis na tumaas ang sulok ng labi ng binata. "There's no way in hell that I'll do that." "Damon..." Bahagya siyang napapikit nang bigla siya nitong hinila papalapit. "Yes, baby?" ani Damon habang nakapako ang tingin sa kanya. Muntik nang malaglag ang puso ni Vera dahil sa matamis na ngiti ng kaharap. Gustuhin niya mang makipagtitigan nang matagal kay Damon pero alam nitong maari niyang ikapahamak ang gagawin. Maihahalintulad kasi sa malalim na karagatan ang kulay asul na mga mata ni Damon at sadya namang nakaka-hypnotized ito sa malapitan. "Gusto mo bang makita ng mommy mo ang ginagawa mo ngayon o talagang wala kang kaalam-alam na may CCTV cameras sa pantry ng mansyon?" aniya habang nakayuko. Deep inside, hiniling nitong sana sapat na ang mga sinabi para kumalas ito mula sa pagkakahawak sa kanya. "What?" Tumango siya para segundahan ang gulat nitong reaksyon. "Gabi-gabing pinapanood ng bruha ang CCTV video footage ng mansyon. Bantay sarado lahat lalo na ang maid's quarter." Lihim siyang napangiti nang mapabitiw ito dahil sa pagbabago ng usapan nilang dalawa. "For what?" Sinamantala niya ang curiosity ni Damon para mailigtas ang sarili sa tuksong hatid nito. At gano'n na lamang ang tuwa niya nang makalayo ito sa binata. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Hindi tayo magkakampi at mas lalong wala akong tiwala sa'yo." Sumibol ang madilim na ekspresyon sa mukha ng kausap."Don't left me hanging...alam mong masama akong mabitin." Hindi naman kinapitan ng kaba si Vera dahil alam nitong ilang pulgada na lamang ang layo niya sa pinto, pwede niya na itong takasan ano mang oras. "Hindi ko alam kung anong klaseng bitin ang tinutukoy mo, masyado nang madumi ang utak ko dahil sa mga ginagawa mo." Napalunok siya nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Damon na para bang wala na itong balak makipagbiruan sa kanya. "I want you to tell me everything." "Paano kung ayaw ko?" taas-kilay niyang pambabara rito. Muli siyang napaatras nang mapansing umigting ang magkabila nitong panga. Mukhang oras na para bumalik siya ng kwarto at iwan ito sa pantry. "Gusto mo bang malaman kung anong sasabihin ng bruha kapag nakita niyang hinawakan mo ako at kinausap sa pantry?" Lihim na kumilos ang kamay nito para pihitin ang doorknob. "As if I'll let her say anything..." madiin nitong tugon. "Why don't you ask her? She's your mom, right?" aniya habang nakangiti. Imbes na matuwa, halatang mas lalo pa itong nainis dahil sa sinabi niya. "Do you really want me to do that?" Napahigit na lamang ito ng malalim na hininga sa tanong ng binata saka nagmamadaling binuksan ang pinto. Bad news! Hindi niya kasi maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago ang mood nito nang mapunta ang usapan nila sa ginagawang surveillance ng madrasta. Hahakbang na sana ito papalayo ngunit napahinto na lamang siya nang makita si Damon sa kanyang harapan. Napakurap siya dahil para bang ipinaglihi ito sa kabayo sa sobrang bilis nitong gumalaw. Hindi man lang siya nabigyan ng konting pagkakataon para makatakas mula rito. "D-Dam..." Nauutal niyang tinawag ang pangalan nito nang mabilis na binalot ng dilim ang buong pantry. Basta na lamang pinatay ni Damon ang ilaw at hindi man lang hinayaang tumama ang liwanag na nagmumula sa labas sa kinatatayuan nila. "Problem solved, baby. She can't see us anymore." Gano'n na lamang kabilis na nagharumentado ang puso niya nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang baba. Batid niya kasing totoo ang sinabi ni Damon na wala ng sino mang makakakita sa kanilang dalawa dahil masyado ng madilim ang buong pantry. "Don't be nervous, okay?" Gustuhin man nitong sumagot ngunit tuluyan siyang natahimik na para bang literal na umatras ang dila nito. At sa isang iglap ay hindi naging hadlang ang dilim para malaman ni Vera kung ano ang malambot at nakakatakam na bagay na basta na lamang umangkin sa kanyang mga labi. "Everything will remain a secret between us, baby..." may ngiti nitong sambit habang titig na titig sa kanya. "Dahil mapa-guest room man o dito sa pantry, at lalong-lalo na sa kwarto mo, tandaan mong kaya kitang halikan kahit saan ko gusto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD