VANIA’s POV
Inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa lakas ng hangin mula sa jeep na sinakyan ko. Hindi na ako nag abalang i-check ang itsura ko sa salamin at kaagad na ‘kong pumasok sa loob ng Drivin’ Café. Isa itong 80’s themed arcade café na matatagpuan sa Muntinlupa. Pagpasok ko sa entrance ay bumungad sa akin ang wala pa ring kupas na wall arts ng lugar, mas gumanda pa iyon at nadagdagan ng ilan pang icons from 80’s gaya ni Michael Jackson at Voltes V.
Nadaanan ko ang naka bukod na kuwarto kung saan may mga arcade machines na puwede mong laruin habang kumakain. Huling punta ko rito ay isa pa lang ang machine na mayroon sila, ngayon ay buong kuwarto na.
Bumagal ang paglalakad ko nang matanaw ko sa isang table si Callan, parang gusto kong umatras pero wala na kong ibang pagpipilian. Sa laki ng kumpanya na hawak niya, malaki ang posibilidad na mapahiram niya ako ng ganoon kalaking pera.
“Cal, kanina ka pa?” tanong ko pagkalapit ko sa mesa.
Nagtaas siya ng tingin at saka agad na tumayo nang makita ako. “V, long time no see. Akala ko hindi ka na darating.”
Sinalubong ako ni Callan ng halik sa pisngi. Nabigla ako sa ginawa niya pero nag kibit balikat na lamang ako. Pumwesto ako sa katapat niyang upuan, doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan ito. He’s only wearing a solid gray t-shirt pero ang lakas ng dating niya sa suot niyang ‘yon. Bumagay rin sa kaniya ang medium messy hairstyle. Kapansin-pansin na mas lalo itong naging guwapo sa paglipas ng panahon.
“Gusto mo bang kumain muna?” akmang iaabot ni Callan ang menu sa’kin pero pinigilan ko siya, hinawakan ko nang mahigpit ang kanang kamay niya.
“Kailangan ko ng 200,000 until Saturday, kung hindi ay papatayin kami nang pinagkakautangan ni Timothy,” deretsahang saad ko. Nawala ang ngiti sa labi ni Callan at dumilim bigla ang kaniyang mukha.
“After all these years, I thought you were happy. Mukhang nagkamali ako, V. Kung alam ko lang na ganito ang daranasin mo sa lalaking ‘yun, hindi na sana –”
“Please, desperada na ‘ko. Hindi ko puwedeng pabayaan ang anak ko. Gagawin ko ang lahat, Cal. Please, pahiramin mo lang ako ng pera.”
“Kung ‘yan lang pala ang pakay mo sana sinabi mo na kagabi para nakadaan ako sa bangko. I’ll just give you a cheque later, nasa kotse ‘yong gamit ko. ”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ganoon kadali niya lang ako pahihiramin ng pera. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kanina pa gusto kumawala.
‘‘s**t, ba’t ka umiiyak?” kumuha siya ng tissue at dahan-dahang pinahiran ang pisngi ko.
“Utang ko sa’yo ang buhay namin, Cal. Thank you, thank you! Hindi ko alam paano kita pasasalamatan.”
“You can work for me.”
“Walang problema, kahit ano pang trabaho ‘yan.”
“Be my house maid for 8 months and I will consider that as your payment.”
Walang pagaalinlangan akong pumayag. Blangko na ang isip ko at parang hindi na ito gumagana sa mga sandaling iyon. Napakalaking tinik ang nabunot sa lalamunan ko, lumuwag ang paghinga ko at naglaho na parang bula ang mga agam-agam ko. Ang laking tulong ni Callan hindi lang sa akin kundi sa pamilya ko. He’s our life saver.
***
CALLAN’s POV
Hinatid ko si Vania hanggang sa guard house ng subdivision na tinitirhan niya. Bago ako magpaalam sa kaniya ay inabot ko ang bank check, doon ay nakasulat ang halagang 250,000 pesos.
“Ang laki masiyado nito! 200,000 lang ang hinihiram ko,” bakas sa mukha niya ang pagkabigla.
‘f**k, anong klaseng buhay ba ang binigay ng napangasawa niya’t sa ganito kaliit na halaga ay gulat na gulat na siya?’
“Para namang wala tayong pinagsamahan niyan? Just consider it as your incentives,” dahilan ko na lalong nagpalapad sa ngiti niya.
Tumingkayad siya para abutin ako saka ako nito yinakap nang mahigpit. Dahan-dahan kong pinulupot ang mga braso ko sa beywang niya, amoy na amoy ko ang napaka bango niyang buhok.
“Thank you for everything, Cal.”
‘Wala kang ideya, kung ilang taon kong paulit-ulit na in-imagine ang tagpong ito. Ilang beses kitang sinubukan kalimutan sa pagaakalang masaya ka na sa pamilya mo. Now that I have a chance to be with you again, I will do anything to win you back.’
“Maliit na bagay. I’ll pick you up on Saturday.” paalala ko sa kaniya bago siya kumawala sa pagkakayakap.
‘Hay, V, I’d hug you all day if I could. Sa ngayon ay kailangan muna kitang pakawalan.’
I already have a list on my mind, mga bagay na gagawin ko kapag nakatira na siya sa bahay. Asking her to be my house maid is only an excuse. It happens that she’s so desperate for money as I am for her. Might as well take advantage of the situation.
Tatalikod na sana siya mula sa’kin nang pigilan ko ang kanang kamay niya. I pull her closer and gave her a kiss on her right cheek. Halatang nagulat siya pero nagawa pa rin niyang ngumiti. Bago pa ko mawalan ng kontrol at kung ano pang magawa ko ay hinayaan ko na siyang makaalis.
Halos paliparin ko ang minamaneho kong sasakyan, I have a meeting to catch. Habang pinahaharurot ko ang kotse sa highway ay hindi ko maiwasan na muling balikan ang huling alaala ko kasama si Vania bago ako tuluyang manirahan sa states.
We’ve been together for 3 years. Varsity ako no’n sa campus habang cheerleader naman siya ng kalaban naming school. After 3 months of knowing her nag desisyon akong lumipat sa school niya at doon ipagpatuloy ang kurso ko. Anim na buwan ko siyang niligawan bago niya ko sinagot, kahit ako hindi makapaniwalang nakapaghintay ako ng gano’n katagal para sa oo ng isang babae.
Dalawang buwan bago ang graduation namin nang sapilitan akong dalhin sa airport ng mga boydguards ni Mommy. Ni hindi ako nakapagpaalam kay Vania, sa picture ko na lang din nakita ang kagandahan niya habang naka suot ng toga at may hawak na diploma.
Wala kaming naging komunikasyon, gumawa ako ng paraan para ma-contact ito pero masiyadong mahigpit si Mommy. Inalis niya lahat ng gadgets sa bahay, ang tanging nais niya ay ang mag focus ako sa pagaaral para ma i-transfer niya na sa pangalan ko ang business namin. Umasa na lamang ako sa mga litratong dala ng best friend kong si Ethan sa tuwing magbabakasyon sila sa states, na kinalaunan ay nalaman din ni Mommy kaya hindi niya na hinayaan magkita pa kami ulit ng matalik kong kaibigan.
Noong una ay wala akong intensyon na sundin ang gusto ni Mommy, kahit kailan ay hindi ko pinangarap na i-manage ang mga hotel na pagmamay-ari ng pamilya namin. Until I found out that she has been diagnosed with cancer. She died last year, ilang buwan matapos maipasa sa’kin lahat ng business namin. Nang pumanaw si Mommy ay hindi na ko muling bumalik sa states at pinili kong dito na manirahan sa Pilipinas.
Hindi ko lubos matanggap nang malaman kong may asawa’t anak na si Vania. Buong akala ko ay nagawa niya ‘kong hintayin. I was ready to ask her to marry me. Kahit matagal na panahon kaming hindi nagkita ay sigurado pa rin ako sa nararamdaman ko sa kaniya. I was hurt and disappointed, I am willing to give her the life that she deserve.
I stalked her on f*******:, nakita ko kung gaano siya kasaya sa pamilya niya. Mula noon hindi na ako masiyadong gumamit ng social media account ko, I tried to move on. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. I checked on her profile maybe twice every month just to see her face. Ilang beses ko siya sinubukan i-message pero naduwag ako. Gusto ko siyang kamustahin, ngunit halata naman na masaya na siya kaya para saan pa.
Nasa kalagitnaan ako ng meeting kahapon nang matanggap ko ang message niya. Pansamantala kong pinahinto ang meeting para kaagad na makapag reply. Ganoon pa rin ang epekto ni Vania sa’kin. Akala ko ay unti-unti ko na siyang nakakalimutan pero isang message niya lang, in one snap bumalik lahat nang nararamdaman ko.
Now I have 8 months to be with her. I’ll do whatever it takes to make her fall in love again, even if I have to ruin the family that she cherish the most.