VANIA’s POV
Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang phone ko na kasalukuyang nakapatong sa side table ng aking kama, kaagad ko iyong inabot. Sino ba naman kasi ang tatawag sa akin nang ganito kaaga?
Muli kong kinusot ang aking mata sa pagaakalang mali ako nang nakikita. Para pala rito kaya kinuha ni Callan ang phone ko kagabi, para i-save ang number niya. Pinindot ko na ang answer button.
‘‘H-Hello? Cal?’’ hindi siguradong tanong ko. Puwede niya naman kasi akong katukin kung may kailangan siya sa akin, nakakapagtaka lang na tumawag pa siya.
“V, I need your help. Puwede mo ba ‘kong ikuha ng towel? Mayroong separate closet sa bandang dulo mula sa kuwarto mo. I’m sorry, naistorbo ko pa ang pagtulog mo.”
“No problem, gising na rin ako bago ka tumawag. Paki hintay na lang, ikukuha na kita ng towel.”
Halos lundagin ko ang kama, nagtatakbo ako palabas at nagmamadaling pumunta sa kuwartong nasa dulong bahagi mula sa kinaroroonan ng room ko. Nanlaki ang mga mata ko nang buksan ko ang pinto, sinong magaakala na walk in closet pala ang nasa likod ng silid na ito.
Kumuha ako ng isang blue towel mula sa mga naka salansan na tuwalya sa nakabukas na cabinet sa kaliwang bahagi. Hindi na ako nag abalang kumatok sa kuwarto ni Callan at dere-deretso na akong pumasok. Hindi ko siya naabutan sa kama niya, wala rin siya sa couch na naka puwesto malapit sa glass window. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi na ito sumasagot.
Kumatok ako sa bathroom para alamin kung naroon siya sa loob. “Cal, nandito na ang towel mo. Saan ko ilalagay?”
Hindi ito sumagot at tanging ingay na nagmumula sa shower lamang ang narinig ko. Akmang ibubuka ko na ulit ang aking bibig para ulitin ang sinabi ko nang bumukas ang pinto.
Muntik kong mabitawan ang towel na hawak ko nang makita ang hubad na katawan ni Callan. Half open lang ang pinto pero sapat na iyon para mabigyan ako ng access na makita ito. Tumutulo ang tubig mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang mukha at dahan-dahang umaagos sa matipuno niyang dibdib. Ang laki nang pinagbago ng built ng kaniyang katawan.
“Do you like it?” sumilip ang nakakalokong ngiti sa labi niya nang mapansing sa katawan niya nakatuon ang tingin ko.
“I-Itong towel mo kako saan ko ilalagay?” nauutal na tanong ko. Heto ang hirap sa’kin kapag ninenerbiyos.
“Thanks, V,” in-extend niya ang kamay niya para kunin ang tuwalya.
Hindi ko na hinintay na isara niya ang pinto at halos liparin ko palabas ang kaniyang kuwarto. Bumalik ako sa aking silid, nag toothbrush at naghilamos para makapaghanda ng agahan. Ngunit kahit saan ko ibaling ang atensyon ko ay paulit-ulit kong nakikita sa alaala ko ang tagpo sa kuwarto ni Callan.
Hindi ako sigurado kung anong lulutuin kaya kumuha na lang ako ng kung anu-ano sa loob ng refrigerator. Gumawa ako ng fried rice, nag prito ng bacon at itlog saka ako nag timpla ng kape.
Kasalukuyan kong sinisimsim ang mainit na kape nang dumating si Callan at pumwesto sa katapat kong upuan. He’s wearing a light blue polo with a navy tie. Napansin ko na hindi maayos ang pagkakalagay niya sa suot na neck tie kaya tinigil ko ang iniinom na kape, lumapit ako sa kaniya para ayusin ‘yon.
“This is why I hate business meetings, bukod sa maaga ay required ako na magsuot niyan.”
Amoy menthol ang kaniyang hininga. Bahagya kong inilayo ang mukha ko at mabilis na tinapos ang pagaayos ng neck tie niya.
“Thank God, you’re here… Baka napapagod na rin kasi ‘yung assistant ko kakaayos ng tie ko sa umaga.”
Bumalik na ko sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang iniinom kong kape. Nag sandok na siya ng fried rice at kumuha ng ulam, tinikman niya muna ang kape bago siya sumubo ng kanin.
“Uuwi ako after ng meeting, I won’t missed a single meal with you. Baka tumaba ako sa sarap mo magluto.”
“Parang malabo ka namang tumaba.”
Huli na nang mapagtanto ko na nasabi ko pala iyon out loud. Sinulyapan ko siya at hindi ako nagkamali, naroon na naman ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Panigurado ay naalala niya rin kung paano ko titigan ang katawan niya kanina.
“About what happened –”
“Sa palagay mo, Cal, parang kailangan yata natin ng kontrata no? For sure you have terms and conditions, o kahit for formality’s sake. Para may habol ka rin sakaling hindi ako tumupad sa usapan natin.”
Pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa niya iyon maituloy. Mabuti na lang at naalala kong itanong ang tungkol sa agreement namin.
“Ipapahanda ko sa assistant ko, I’ll have it later pagbalik ko.”
Tumango na lamang ako. Hindi niya na ulit nabanggit ang tungkol sa nangyari kanina hanggang sa matapos kaming kumain.
Lumabas ako ng bahay nang muling umakyat si Callan sa kaniyang kuwarto. Nilapitan ko ang medyo may kalakihan na garden sa kaliwang bahagi ng bakuran. Iba’t-iba ang tanim doon na halaman at napakaraming magagandang bulaklak. Yumuko ako para mas maamoy ko ang mga ‘yon.
“Vania?” itinaas ko ang tingin ko para makita kung kanino nagmula ang hindi pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
“Sorry, do I know you?’’ magalang na tanong ko. Mukhang ka edad lang namin siya ni Callan, pamilyar ang mukha nito pero hindi ko na maalala kung saan ko iyon nakita.
“Si Samuel ‘to, wag mo sabihing nakalimutan mo na kaagad ako?’’ Nanlaki ang mga mata ko nang rumehistro sa alaala ko ang pangalan na sinabi niya.
Si Samuel ang half brother ni Callan. We used to be so close, he’s one of the bases in our cheerleading team way back in college. Siya rin ang naging daan kaya ko nakilala si Callan. Wala siyang social media accounts kaya mula nang maka graduate kami ay nawalan na rin ako ng balita sa kaniya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na salubungin siya nang isang mahigpit na yakap. “I miss you, Sam!”
Ang laki rin ng pinagbago niya mula no’ng huli ko siyang makita. May pagka nerdy type pa siya noon, ngayon ay wala na itong suot na salamin at wala na rin ang braces sa kaniyang ngipin. Mas lalong nakita ang gandang lalaki niya, hindi na rin nagkakalayo ang itsura nila ni Callan.
“Woah, bro, f**k off!” sigaw ni Callan habang papalapit sa gawi namin.
Hindi ko binitawan si Samuel at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko rito. Nang makalapit sa amin si Callan ay sinipa niya ang binti ni Samuel na naging dahilan para mapaluhod ito at makawala sa pagkakayakap ko.
“Ang gago mo bro, I didn’t even touch her,” pinagpagan ni Samuel ang kaniyang suot na jeans na kinapitan ng ilang dahon.
“Anong ginagawa mo rito, ang aga-aga!” hinawakan ni Callan ang kaliwang braso ko at bahagya akong inilayo kay Samuel.
“Ayaw ako tantanan ni Ethan, sunduin daw kita at baka tanghali ka na naman magising. Importante raw ‘yong meeting niyo ngayon.”
“Tangina niya, magkausap lang kami kanina.”
Pagak akong tumawa habang pinanonood sila. Wala pa rin pinagbago ang dalawang ito, parang hindi pa rin nila kayang mag usap nang walang kasamang mura.
“Anong ginagawa ni Vania rito? I was expecting to see another random girl na hindi ko alam kung saang bar mo pinupulot.”
Akmang aambahan na naman siya ng sipa ni Callan pero kaagad na siyang nakalayo mula rito.
“I’ll tell you later, umalis ka na!”
“Why would I do that? Marami pa kaming paguusapan ni Vania. Ikaw ang umalis at anong oras na.”
“Aalis ako at kasama ka, hindi kita iiwan dito!”
“Grow up bro, hanggang ngayon seloso ka pa rin!”
“See you later, V. Patatahimikin ko lang ang gagong ‘to.”
Mabilis na tumakbo palayo si Samuel habang malalaki naman ang hakbang na sinundan siya ni Callan. Ang sarap nila pagmasdan habang papalayo. Sino ba namang magaakala na muli kong makikita ang dalawang tao na naging malapit sa buhay ko six years ago.
Nang matanaw ko na palabas na ang kotse ni Samuel at Callan ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Binuksan ko ang messenger sa phone ko at nag video call kay Timothy. Labis ang tuwa ko nang mukha kaagad ni Tasha ang bumungad sa screen. Isang araw pa lang ang nakakalipas pero miss na miss ko na ang anak ko. Sana ay makayanan ko ang walong buwan na malayo siya sa piling ko.