ISINANDAL ni Dom ang kaniyang mukha sa dibdib ni Rhod nang humiga siya sa tabi nito. “Dad?” wika ni Dom habang nilalaro ng daliri niya ang tuktok ng dibdib ni Rhodri. “Hmm?” maikling tugon ni Rhod. “Tumawag si nanay sa akin kanina. Gusto raw nila akong bisitahin.” Tumingin si Rhod sa mga mata ni Dom. “Talaga? Gusto mo bang salubungin natin sila sa airport?” Parang kinikiliti sa tuwa ang puso ni Dom nang marinig ang sinabi ni Rhodri. “Hindi na kailangan, Dad. Kaya lang--” putol na sambit ni Dom. Hinalikan ni Rhod ang labi ni Dom. “Wala kang dapat ipag-alala, Honey. Welcome ang mga magulang mo rito sa bahay, okay? At saka, don’t worry about me. Hindi ako magsasalita tungkol sa atin.” Napaluha si Dom dahil sa sinabi ni Rhod. “Thank you, Dad.” Niyakap niya ito. “Why are you crying? At

