Chapter 5 (Finale)

538 Words
TRIGGER WARNING: This story contains MATURE CONTENT. Isabella I never thought about getting boyfriend nor husband because I knew myself that I'm not good enough. May mga sekreto ako kagaya ng isa akong rape victim at ang masama ay ang tinuring kong kapatid ang nagsamantala sa akin. Nagkaroon ako nang mental disorder because of my trauma. And I know na pwede akong magsisi sa desisyon ko na h'wag ipakulong si Jason at dahil alam ko na kayang makatakas ni Jason sa kulungan at mapawalang bisa ang kaso. Lalo't ang kanyang mga magulang ay isang tanyag na negosyante at marami itong mga connection. At labis kong pinagpasalamat na tumupad sila tita selene sa condisyon ko. Pinili kong manahimik at maging masaya kaysa isipin ang kagaya niya. I thought no one accept me because of what happened to my life but my prince charming arrived. "Hmm.. Ano kaya ang iniisip ng maganda kong asawa?" may biglang kumurbang ngiti sa aking mga labi ng may yumakap sa akin galing sa likuran. "Ikaw" tipid kong sagot habang nandoon parin ang ngiti sa labi ko. "Really? Ang bilis mo naman akong mamiss buntis ka ba?" mas lalong lumapad ang ngiti sa aking mga labi. "Oy ganda" hindi ko ito inimik at tumingin nalang sa magagandang bituin sa kalangitan. Bumitiw ito sa pagkakayap at pinihit ako paharap sa kanya. "Anong ngiti yan?" nanlaki ang mga mata nito. "So buntis ka talaga ganda" tumango ako habang may ngiti sa labi. Napasuntok ito sa hangin "Yes!" sigaw nito kaya sinenyasan ko na h'wag maingay baka magising ang mga bata. Lumuhod ito at tinapat ang mukha sa aking manipis na tiyan "Hi! Baby this your daddy, bilisan mong lumabas dyan ah para madagdagan kayo kaagad" mahina ko itong hinampas sa balikat. "Dave last 'to ah" "What! Ganda naman kailangan natin bumuo ng isang batalyon" pinanlakihan ko ito ng mga mata. Ngumoso ito "Sige na nga, ayokong mahirapan ka sa panganganak ulit kaya sige last na 'to" pang apat na namin ito pero kahit ganun ay hindi pa rin siya sanay. Masuyo kong sinapo ang pisingi nito. "Dave salamat" kunot noo itong tumingin sa akin. "Para saan ganda?" taka nitong tanong "Para sa pagtanggap mo sa akin" tumayo ito at sinapo ang magkabila kong pisingi. May ingat at may pagmamahal nito hinaplos ang pisingi ko. "Ganda hindi mo kailangan magpasalamat dahil responsibilidad kong mahalin at tanggapin ka nang bukal sa puso" "Salamat din ganda sa pagiging mabuting asawa mo sa pitong taon nating pagsasama" hindi ko mapigilan na di mapaluha. Pinunasan nito ang luhang tumulo sa aking pisingi. "I love you so much ganda" "I love you more" at yumakap dito. Ramdam ko ang paghalik nito sa ibabaw ng aking ulo. Sa tabi niya ako naramdaman ang totoong pagmamahal na may respeto, paggalang, pag uunawa, pagtatiyaga at pagtanggap na kahit sino ay hindi iyun kayang iparamdam sa akin. Alam kong iba tayo kung paano magparamdam ng pagmamahal ngunit kung ang klase ng pagmamahal mo ay pag puwersa at walang pagtatiyaga ay walang kang tunay na pagmamahal na matatanggap. Hindi pagmamahal ang nararamdaman ni Jason sa akin bagkos ay isang obsession na nagbigay sa akin ng sakit at takot. This is Isabella Bautista and this is my story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD