Nang tuluyan na siyang nakarating sa ibabaw ng tore ay agad na siyang pumasok sa loob. Ngunit laking pagtataka niya nang wala man lang itong pasukan kung sa ibaba magsisimula. Maging ang bintana nito ay sobrang taas. Mas mabuti pang tawagin iyong exhaust hole kaisa bintana. “Hail . . . Ang weird ng watchtower na ito. Ni wala ngang kahit na anong aparato na magagamit sa pagmamatyag. ’Di naman ibig sabihin na lobo tayo ay kaya ng mag magnify ng ating mga mata.” ‘Baka naman hindi lang nalagyan. Pero taika lang. Alam mo ’yong disenyo nito, parang kulungan ni Rapunzel.’ “Ay, iwan ko sa ’yo, Hail.” Patuloy siyang naglibot sa loob ng silid. Paro’t parito ang kanyang lakad na para bang may hinahanap siya sa sahig. “Sandali. Parang hollow ang parte na ’ti ng sahig, Hail.” Agad siyang dumapa ro

