Old rare store

2001 Words
Kahit distansya pa ay naaamoy na niya ang nag-aalalang amoy ni Nitch. Lumalabas sa katawan nito ang pagiging balisa at takot. Bahagya naman siyang napangiti dahil dito. Dahil siya man ay nakahanap ng salitang pamilya sa pagdating nito sa kanyang napariwarang buhay. “Nitchi! Nitchi!” sigaw niya sabay kaway nang mapalingon ito sa kanyang gawi. “Dane!” Para itong bata na nagkukumahog na tumakbo patungo sa kanya. “Saan ka ba nanggaling? Alam mo bang nag-aalala ako? Hindi naman ako makaalis dahil iniisip ko’ng baka bumalik ka rin agad.” Parang iiyak na ito kung hindi siya magsasalita. “Pasensya ka na, Nitch. Napasobra kasi ang paglalakad ko at umabot sa madamong parte rito—may nakita akong mga batang wolf na naliligo sa isang water sinkhole,” aniya at sinabi pa rito ang lahat ng mga nangyari sa pagkawala niya. “Serreny? Matagal na rin akong hindi nakakakita ng gano’ng nilalang. Hindi ko alam na may nabubuhay pa pala sa kanila. Nananahan siguro sa sinkhole. Hindi pa rin ako nagawi riyan.” “Malapit kasi sa Primal tribe ang anyong tubig na ’yan.” “Ako ang natatakot para do’n sa mga bata kung hindi ka dumating eh.” Umiiling ito at huminga nang malalim. “Sana ay kaya ko ring makipaglaban ng harapan sa mga kalaban. Sa pagatatago lang kasi ako magaling.” “Sira ka. Basta sabay tayong mag ensayo para mas lumakas ka pa. Ano? Maaari na ba tayong gumayak patungo sa sentro ng komersyo? Hindi na ako makapaghintay na muling magsanay.” Maliwanag ang kanyang mukha habang inamoy ang sariwang hangin na katulad ng isang hardin na puno ng namumukadkad ng mababangong bulaklak. “Mukhang napaganda yata ang iyong templa nang makilala mo ang mga batang ’yon ah. Ganyan lang palagi, Dane. Ngumiti ka lang. Mas gagaan ang mga bagay-bagay sa buhay kung masaya lang.” “Ang gaan lang ng pakiramdam ko. Muli ay nahanap ko ang daan na aking tatahakin. Kaya ngayon, mas nais ko’ng magpalakas pa.” “Halika na nga! Isabay mo ako riyan sa pagpapalakas mo. Mukhang kailangan ko rin ng motivation ngayon. Lalo’t puro tulog na lang itong nass isipan ko.” Ginulo niya ang buhok nito sabay pisil sa matambok nitong pisngi. “’Wag kang mag-alala. Protektahan na lang kita habang binabaliw mo ang utak ng mga kalaban. Alam mo, mas magandang ’yon ang pagsasanay na iyong gagawin. Ang hasain ang mind control ability mo.” “Oo nga. Sana ay makayanan ko na ito ngayon.” Sa kanyang palagay ay sumubok na ito noon ngunit hindi naman natupad. Pero wala namang masama sa sumubok ng sumubok eh. Itinuloy pa nila ang pagki-kipagkwentohan sa isa't isa habang mabilis na naglalakad. Muli siyang nauna sapagkat mas matalas ang kanyang kakayahan na makasagap ng ibang mga manlalakbay at masasamang loob ngayon na magaling na siya. Makalipas ang halos dalawang oras ay nakaririnig na siya ng mga ingay. “Mukhang malapit na tayo sa pupuntahan natin,” aniya, at lumingon kay Nitch. “Eh. Mga nasa ten minutes pa na lakaran bago tayo makarating doon.” Maging siya ay nagtataka. Mahaba-habang lakaran pa rin iyon. Pinandilatan siya nito ng mata matapos ay alanganin na ngumiti. Agad naman niyang narinig ang malakas na pagkalam ng sikmura nito. “Pa’no na ’yan? Wala tayong mga pera,” wika nito sabay himas sa tiyan. Para namang may pumasok na kung ano sa utak niya at naalala ang dilaw na dugo na kanyang itinabi. “Sa tingin mo may bibili kaya ng mga ito.” Halos malaglag ang panga nito at hindi makapaniwala sa kanyang hawak. “Da-Dane. I-isa ’yang lason. Bakit mo ba hawak ’yan ha? Maliban sa mala-asido ’yan na maaaring tumunaw sa isang nilalang, masysdo ring malakas ang epekto ng lason niyan.” “Alam ko naman. Wala kasing nangyari sa ’kin no’ng nadikit ito sa balat ko.” “So hindi ka nagsisinungaling sa kuwento mo sa ’kin kanina?” “Oo naman! Kaya nga ay may hawak akong ganito.” Winagayway niya ito dahilan upang parang palakang napatalon palayo si Nitchi sa kanya.” “Haha! Naku, pasensya na, Nitch. Ito na, itatago ko na.” Mabilis pa sa kidlat na naitago niya ito pabalik dahil mukha ng papatay ang mukha nito. Nauna naman itong maglakad na halata talagang nainis sa ginawa niya. “Uy, Nitch. Sorry na kasi.” “Ikaw naman kasi. Delikado talaga iyong ginawa mo. Noon kasi may kasamahan ako na napalaban sa isang Serenny. At hindi maganda sng nangyari sa kanya nang mabugahan siya ng likidong ’yan. Nalusaw siya at parang naging tubig.” “Hi-hindi ko na uulitin,” anas niya at kumapit sa siko nito. Dahil sa mga pinag-usapan nila ay mabilis lang lumipas ang sampung minuto at nakarating na sila sa tarangkahan ng Nayon ng Komersya. Habang papalapit sila sa pila ay panay din ang silip ni Dane kung ano ang kailangan nila upang makapasok. “Dane, tigilan mo ’yan.” Lumingon siya kay Nitch at nagtatakang napatitig sa hawak nito. “Ano ’yan?” “Identification token. Nakapunta na ako rito noon kaya ay wala tayong magiging problema sa pagpasok.” “Pa’no naman ako?” “Ayos lang. Maitatala kang kasama ko.” Napatango na lang siya na halatang nabunutan ng tinik. Ilang sandali pa ay sila na ang susunod. “Token o magpapatala pa?” “Token.” Nakita niyang ipinasok ni Nitch ang bilog sa isang ulaw, at para iyong scanner na binabasa ang mga nakasulat doon. “Kahit nasa makabago ng teknolohiya ang mga tao. Pinapanatili pa rin ng mga kakaibang nilalang na katulad natin ang mamuhay na balanse ang dalawa,” paliwanag nito sabay kuha sa token matapos ma-scan. “Maligayang pagbabalik sa aming nayon. Kasama mo ba siya, binibini?” Halatang kinikilig si Nitch kaya ay napailing na lang siya sabay ayos sa malaking sombrero niya. “Ah, oo.” “Sige, maaari na kayong pumasok.” Hawak ang kanyang kamay ay mabilis siya nitong hinila. “Wala tayong pagpipilian kung hindi ang subukang ibenta ’yang nais mo. Wala tayong pera. Saka kailangan magpalit ka na rin ng damit. Mukha na ’yang basahan.” Wala sa sariling inamoy niya ang sarili. Doon niya nasabi na nangangamoy malansa rin siya. Sa kanilang pagpasok sa loob ay agad silang sinalubong ng maraming mga nilalang. Iba-iba ang mga naroon at mas marami silang nakikitang mga taong lobo. Nakikilala niys agad ito dahil sa kakaibang amoy na nanggagaling sa ugat ng mga purong lobo at mixed breed. “Hay . . . Puwede namang hindi nila tayo pagtitinginan eh,” reklamo nito sabay hila na naman sa kanya. “Saan tayo pupunta?” “Basta. May kakilala akong matagal ng nangungulikta ng mga weird ns bagay. Sana naman ay buhay pa ’yong tindahan niya . . .” bulong nito. Ilang sandali pa ay pinasok na nila ang makipot na eskinita. Alam naman niyang siya ang dahilan kung bakit sila pinagtitinginan kahit saan sila magpunta. “Narito na tayo! Ay! Mabuti na lang at narito pa ’to.” Tumitili ito na parang kinikilig pa. “Ano po’ng maipaglilingkod ko sa ’yo, binibini?” tanong ng lalaking nasa dalawampung taong gulang ang tansya niya. Dahil hindi na makapag salita si Nitch kasi panay na ang ngiti nito sa lalaki ay agad na lamang niyang kinuha ang nais niyang ebenta. “Bumibili ba kayo ng ganito?” tanong niya sabay pakita rito sa kanyang hawak na bote. “Hah!” Katulad ng reaksyon ni Nitchi ay para din itong palaka na mabilis lumundag palayo sa kanya. “Sa-sandali. Tatawagin ko lang si Lolo.” Mabilis itong pumasok sa loob ng tindahan. “Nagpapa-cute ka pa kasi.” Hihingi na sana siya ng pasensya nang bigla na lang itong humagalpak ng tawa habang pigil na pigil na makagawa ng engay. Nakabuka ang bibig nito at nakahawak pa sa tiyan. “Ka-kasi naman, pa-parang bakla . . .” bulong nito at muli na namang tumawa. Maging siya man ay napapangiti rin. Ang buong akala niya ay siya lang ang nakapansin ng pagbabago ng daloy sa dugo nito. “Shhh . . . Tahimik na. May paparating na. Isang malakas na lobo.” Tumuwid ang kanilang opo dalawa at tahimik pa sa silent night na naghintay sa may ari ng tindahan. “Maligayang pagbabalik sa aking tindahan, Lady Nitch. Maganda at bata ka pa rin. Walang pinagbago.” Nakita niyang namumula na naman si Nitch. At walang bago roon. “Binibini, maaari bang makita ang hawak mo?” Humarap naman ito sa kanya sabay umang ng kamay. Mabilis naman niyang inilapag sa palad nito ang isang maliit na bote, at isang telang puti na pinunit niya mula sa suot niyang malaking damit. Sa loob ng puting tela ay nakalagay ang pinutol niyang puting ugat ng Serenny. Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito na para bang luluwa na mula sa eye socket. “Totoo nga! Haha! Saan mo ba ito nakuha, Binibini? Ang buong akala ko ay naubos na ang mga Serreny,” wika nito habang nasa bote at tila pa rin ang atensyon. “Sa ilog po. Sa may water sinkhole malapit sa lupain ng Primal pack.” “Iyon lang . . .” bulong nito na halatang bigo ang itsura. Iniisip ni Dane na hanggang ngayon ay sagrado pa rin ang batas ng lahat ng mga lobo na walang nanghihimasok sa teritoryo ng iba kung ayaw nila ng digmaan. “Hindi naman po nila pinangangalagaan ang mga Serenny. Maging sila po ay nagimbal din na may nananahan pala roon,” paliwanag niya upang pawiin ang pagkadismaya nito. “Oo nga. Kung malapit sa Primal pack, ibig sabihin ay kabilang ito sa lupain ng Chaos Pack.” Napakamot na lang siya ng ulo dahil nakalimutan niyang pag-aari din ng ibang Pack ang lugar na ’yon. “Sige, kukunin ko na ito. Anong klseng bato ba ang sandatang ginamit mo, hija upang makontra mo ang dugo nito?” “Isang swallow po. Hindi ko rin alam kung ano. Pag-aari kasi ’yon ng isa sa miyembro ng Primal pack.” Tila mas lalo lamang itong naguluhan sa paliwanag niya. “Oh, siya, sige. Papalitan ko ito ng limampung pirasong asul na jade, habang isang dilaw naman na jade itong dilaw na dugo.” Pansin agad ni Dane kung paano kuminang ang mga mata ni Nitch. Siya naman ay hindi makagawa ng desisyon dahil hindi niya mawari na gano’n pala ka halaga ang nakuha niya. “Naku naman, Lolo. Mababa naman po ang iyong bili. Alam kong masyadong mahal ang dugong ’yan. Pero kung gagawin mo pong dalawang pirasong dilaw na jade ay papayag na po kami.” Kahit hindi niya talaga alam ang presyuhan ay nakikitango na rin siya sa suhestiyon ni Nitch. “Sige.” Matapos ang kanilang ginawang transaksyon sa old rare store ay agad na silang umalis upang maghanap ng matutuluyan. “Ay! Ang saya ko! Alam mo, Dane. Ngayon na lang ulit ako nakahawak ng ganito ka Laking halaga! Haha!” Para itong bruha sa kanyang paningin habang tumatawa nang puno ng malisya. “Hindi ko alam na mahalaga pala ang mga ’yon. ’Di sana ay hinabol ko ’yong isa,” wika niya sabay himas sa kanyang tiyan. “Gutom ka na rin ano? Halika! Maghanap tayo ng masarap at mamahaling kainan!” deklara nito at taas noong naglakad. Ni wala na itong paki sa mga nakatingin sa kanila, ’di tulad kanina na naiirita ito. Ngayon ay para itong isang modelo na binabalandra ang flat na dibdib dahil mas nauna pa ang mga paa nito habang nagtago naman ang puwet. Talagang bata pa ang hugis ng katawan nito. Siya naman ay mas itinakip pa ang maruming sombrero sa mukha niya. Habang malaya namang sinasayaw ng hangin ang laylayan ng punit niyang suot na damit. “Nakakahiya ang suot niya. Parang basahan.” Rinig niyang bulungan sa tabi, subalit abala siya ngayon. Sa paghahanap ng kanyang paki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD