PENELOPE Mas tumindi ang libog na nararamdaman ko nang maramdaman ang kamay ni Ulises na malapit nang umabot sa sentro ko. “Hindi mo ba ako na-miss, Penelope?” wika ni Ulises habang unti-unti na itong tumatayo sa harapan ko. “Dahil sobrang miss na miss na kita.” Ramdam ko ang hininga nito sa aking mukha at gustong-gusto kong halikan ang mga makakapal niyang mga labi. Tumaas din ang kamay nito sa aking beywang sa ilalim ng aking damit. “Ano’ng gusto mong marinig, Ulises? Na sa mga nagdaang taon ay hinihintay kita at laging inaasam na makasama ka ulit?” pabulong na sagot ko. “Yes, gusto kong malaman na nasasabik ka pa rin sa akin hanggang ngayon,” bulong nito. Hinalikan nito ang aking pisngi at pinaglandas ang ilong nito sa aking tainga at bahagyang kinagat-kagat. “Inaasahan ko na n

