PENELOPE Pilit kong pinipigilan ang tawa ko sa ekspresyon ni Ulises nang tawagin ko siyang stalker. Alam kong hindi magiging madali na paalisin siya pagkatapos kong magpakita sa kaniya sa gitna ng seremonya ng kasal nito pero pagod na ako sa araw na iyon. Ayon dito ay inakala nitong patay na ako kaya ito nagdesisyong pakasalan si Minerva subalit dahil sa nakaraan namin ay hindi ko siya lubos na mapagkatiwalaan. "Sumagot ka, Penny, anong ibig mong sabihing asawa mo?" tanong ulit nito. "Pakawalan mo ako, kailangan kong kausapin ang asawa ko!" muli niyang sigaw. "Honey, anong nangyayari?" tanong ni Ben habang papalapit. Si Ben ay isa sa mga lalaking may square jaw at magandang hubog ng katawan dahil sa paggi-gym. Iyong tipo ng mga lalaking nakakahulog ng panty ‘ika nga kagaya ni Ulises

