ULISES Sh*t. Divorce. Wala akong maisip na ibang bagay kundi ang divorce. Hindi ko kailanman naisip na ikonsidera ang posibilidad na kumapit sa isang "walang divorce." Iyon lamang ang salitang naiisip ko ng gabing iyon at hindi ako nakatulog. " Put*ng ina," pagmumura ko sa sarili ko habang sumasakay ako sa kotse matapos mag-ingay ng walang tigil ang mga busina ng mga sasakyan. Sumasakit ang aking ulo dahil natuklasan ko na mas mabagsik pa kaysa sa Tasmanian Devil ang babaeng iyon. Sigurado ako na kahit ang maliit na hayop ay matatakot sa kanya at hindi ko siya masisisi. Hindi niya pinadali ang lahat para sa akin at talagang gusto ko siya sa aking tabi, sa aking bahay kung saan siya nararapat. At ngayon, anong gagawin ko? Hindi ito biro pero sa puntong ito ng aking buhay, parang gu

