ULISES Putang ina. Natunghayan ko lang ang pinakamalupit na legal battle sa buhay ko. Umalis ako ng meeting kasama si Alana Lamperox sa aking tabi. Matalinong desisyon ang kunin siya bilang abogado ko nang makita ko kung sino ang kinuha ni Penelope. Matapang siya pagdating sa pagtatanggol ng interes ng kanyang kliyente at least sa kaso ko at nagpapasalamat akong nahanap ko siya at pumayag siyang kumatawan sa akin. Pumasok kami sa elevator at pagkapasok na pagkapasok ay tumayo si Alana sa harap ko, naka-akimbo ang mga braso. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung tungkol saan 'yung pagtatalo ninyo ni Penelope?" tanong niya. "Ito'y isang kinakailangang pagtatalo. Pinagbibintangan niya ako ng maraming bagay samantalang siya rin naman ang nakinabang sa kasal na 'yon dahil hindi naman bigl

