Karamdaman

1091 Words
After 2weeks mula ng makatanggap ng balita sakanyang mga magulang ay nagsadya akong puntahan si candice sa kanila upang surpresahin. Pag dating sa kanila ay pinag bukasan na ako ng pinto ng katulong dahil kilala na ako ng mga ito.ang akala ko ay si candice ang magugulat ay kabaligtaran ang nangyari. Ako ang nabigla sa aking nakita na ang inaakala kong magaling na ay nakaratay sa kanyang kama bagsak na ang katawan na tila iginugupo na ng kanyang karamdaman. Ang sakit sakit sa akin na makita sya sa ganoong kalagayan kayat dina ako pumasok pa sa kanyang kwarto bagkus ay nanatili na lamang ako sa labas habang patuloy syang pinagmamasdan hanggang sa makita ako ng kanyang papa habang umiiyak. Papa ni candice: dustine bakit nandito ka? Bakit hindi mo sinabi na dadalaw ka pala? Diko sya sinagot kundi nag tanong rin ako. Ako:tito bakit po ninyo itinago sa akin ang nangyayari kay candice? Papa ni candice: anak duon nalang tayo para hindi na malaman pa ni candice na dumalaw ka. Duon ko nalang ipapaliwanag ang lahat sayo. Nang kami ang makalayo na ay saka ko lamang naintindihan na ang may gusto pala na ilihim sa akin ang lahat ay si candice upang hindi ako mag alala. Ako: tito may ipapakiusap po sana ako. Pwede po bang ako na ang mag alaga kay candice mula ngayon? Papa ni candice: baka magalit si candicel Ako: tito gusto ko pong manatili sakanyang tabi hanggang sa huli. Ayaw ko syang iwanan at ayaw kong maramdaman nyang nag iisa lang siyang lumalaban. Baka rin po kahit sandali lang ay madugtungan pa ang kanyang buhay! Umiyak na ako sa harap ng kanyang papa at nag susumamo na pumayag sya sa aking pakiusap. Pumayag naman siya at dagli akong nag paalam upang umuwi at kumuha ng aking mga gagamitin. Nag paalam narin ako sa kumpanya na aking pinapasukan at sinabing mag papasa na lamang ng resegnation paper dahil hindi na talaga ako papasok pa. Isang linggo konang inaalagaan si candice ng dumating ang kanyang mga kapatid. Binati agad ako ng dalawang lalaking kadarating lamang. Harrold: hi kuya? Kamusta si ate candice? Ako: eto medyo okey na dina gaya noon. lan: kuya salamat sa pagaalaga mo kay ate ha. Ako: wala iyon halos mag dadalawang taon narin kami ng ate nyo at gagawin ko ang lahat para mapasaya sya kahit papano. Aalgaan ko sya kung iyon ang makakabuti sa kanya. Sya nga pala uuwi muna ako sa amin. Isang linggo na akong hindi umuuwi. Babalik din ako mamaya. lan: sige kuya ingat ka salamat ulit. Nga pala ako si ian bunso nila ate sya naman si kuya harrold sumunod kay ate. Ako. Dustine nga pala. Sige mamaya nalang. Pag kauwi ko sa bahay ay hindi ko napigilan ang pagbalong ng aking luha sa aking mga mata. At naabutan ako ni tita sa ganoong kalagayan. Tita tessie: anak bakit? Ano ang problema? Ako: tita may leukemia si candice at may taning narin ang buhay nya. Hindi na sya mag tatagal. Kaya tita gusto kong manatili sakanyang tabi hanggang sa huli. Tita tessie: anak naiintindihan kita hindi rin ako tututol sa gusto mong gawin. Pero sana anak magawa mo itong tanggapin na hindi na sya magtatagal pero sikapin mo na maiparamdam sa kanya na walang nagbago na mahal na mahal mo sya at gawin mo ang lahat para mapasaya sya hanggang sa huling sandali. Ako: opo tita maraming salamat po. Muli nanga akong bumalik sa bahay nila candice para muli syang alagaan. Candice: bakit ba di kana umuwi sa inyo duon ka nalang baka magalit si tita! Ako: candice ok lang kay tita nagpaalam kc ako na dito muna ako hanggang sa mawala na ang lagnat mo. C Candice: sino ba kasi ang nagsabi sayo na may lagnat ako? Pati tuloy trabaho mo pinabayaan mo na para sa pag aalaga sa akin. Ako: ano kaba ayos lang yon marami pa namang trabaho dyan at makakahanap din ako agad pag galing na pag galing mo hahanap na ako ng trabaho pangako ko ha. Wag kana mag alala. kinabukasan anniversary na namin ni candice. Pang 2 year na namin akala ko noon ok na ang lahat dahil malaki na ang inilakas ng katawan ni candice dahil ang taning din sa kanya ng doctor na Itaon ay nadugtungan pa ng 6na buwan.pinagbihis ko noon ng maganda si candice kinabukasan ng gabi. Wala siyang alam sa aking balak na gawin na surpresa sa kanya. Ako narin ang nag luto ng lahat ng pagkain. Tinulungan din ako sa pag paplano ng lahat ng kanyang dalawang kapatid.matapos maihanda ang lahat ay tinakpan kona ng panyo ang kanyang mata matapos non ay inakay ko nalang siya hanggang sa makarating kami sa tabi ng pool nakasindi narin ang kandila at naroon narin ang mga pulang rosas.maging mismong pool ay may mga kandilang nakalutang na parang mga bituin sa dami nito. Ako: candice maupo ka dito. Candice: ano ba ito bakit ba may ganito pa ano pwede ko nabang tanggalin ang takip sa mga mata ko? Ako: oo mahal ko pwede monang alisin. Candice: wow ang ganda naman. At ini abot ko kay candice ang mga pulang rosas Candice: ano bang meron bakit may ganito kapang gimik? Ako: mahal ko happy anniversary.2years na tayo ang tagal narin mula noon na natotorpe pa ako sayo sabi ko sayo diba papasayahin kita araw araw at mamahalin kita araw araw. At lumabas na ang mama at papa ni candice maging ang kanyang mga kapatid naroon din sina tito tita maging si raffy at cassy. Ako: candice diba mahal naman natin ang isat isa? Gusto rin ako ng buong pamilya mo at wala namang hadlang sa pagmamahalan natin. At inilabas kona ang sing sing mula sa aking bulsa. Saka sinabi candice will you marry me? Hindi umimik si candice at umiyak na lamang tila gusto nyang tanggapin ang aking alok. Candice: dustin alam mo kung gaano kita kamahal pero hindi ko matatanggap. Ako: bakit candice diba sabi mo mahal mo ako? Pero bakit tinatanggihan mo ang alok kong kasal? Ayaw mo ba akong makasama habang buhay? Habang umiyak kaming lahat na mga naroon. Candice: alam naman nating lahat diba! Hindi kona maibibigay sayo ang habang buhay na pagsasama dahil malapit na akong mamatay Kaya yung sinasabi mong walang hadlang! Mali ka. Dahil may isang malaking hadlang at iyon ay ang sakit ko. Bukod duon may taning narin ang buhay ko at alam kong hindi na ako magtatagal! Nabigho ako at sa ganoong sitwasyon nagtapos ang lahat.masakit man ay tinanggap ko iyon. End of 8
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD