Napagdesiyonan ko na umuwi ng Pilipinas kasama si Megan na ayaw akong payagan na mag-isa na bumyahe. Kinakabahan ako na nandito sa tapat ng bahay ni Kuya Silver nasa likod ko si Kuya Red at Megan. "Iwan niyo na ako sige kaya ko na tatawag na lang ako kapag may problema." Sabi ko sa dalawa ayaw pa nga nila pumayag pero hinila na ni kuya si Megan. Pumasok na ako at napahinga ng maluwag bago ko binuksan ang pinto ng bahay. Madilim ang buong sala kaya kinapa ko sa kaliwang bahagi ang switch ng ilaw para lumiwanag. Nagulat ako dahil sa nagkalat na gamit, mga bote ng alak at mga upos ng sigarilyo nakaramdam ako ng kaba pero linakasan ko ang loob ko. Sabi ni Kuya Red ay mula ng umalis ako at hindi na nagpakita kay Silver ay hindi na ito lumalabas ng bahay niya. Lagi itong naglalasing kahit

