Naging masaya ako kasama ang mga kuya ko at pangatlong araw na namin dito, sabi ni Kuya Silver ay mananatiki pa kami hangang dalawang araw pa kaya napangiti na lang ako. Naliligo kami sa dagat at walang sawa ang mga ito, namamangka rin kami at namamasyal sa barangay na kilala na namin ang mga tao. Ngayong araw ay pupunta daw kami sa ilog dito na nasa paanan lang ng bundok at excited ako dahil anventure ito pa sa aming magkakapatid. Halos tatlong pung minuto rin kaming bumyahe papunta ng lugar na ito at hindi na pwede ang kotse papasok sa barangay kung na saan raw ang ilog. Kaya sumakay kami ng motor na ang tawag ay habal-habal, buong araw kaming nag-enjoh ng mga kapatid ko at may isang pamilya na nagpatuloy sa amin at nagluto ng masarap na tanghalian. Kilala ito nina kuya dahil may lu

