Napangiti ako habang nanonood ng cartoons si Silver dito sa sala nang bumaba ako dahil naligo ako. Agad naman niya akong kinabig payakap sa kanya at hinalikan ako sa pisngi at nagsimula na naman ang paglalambing niya. Nagtampo siya kanina dahil hindi ko hinayaan na pumasok sa banyo dahil tiyak ako na sa kama na naman kami mapupunta at pagod na naman ako malamang. Napatingin kami kay Kuya Red at Megan na kadarating lang mula sa pamamalengke at kasunod si Kuya Gray na may buhat na isang sakong bigas kaya nagulat ako. Tumayo ako at mangha na nakatingin sa kanya. “Kuya kaya mong magbuhat ng isang sakong bigas.“ Mangha ko na turan sa kanya kaya napatingin siya sa akin at nagmamalaki na tumango saka tinignan si Silver at Kuya Red na masamang nakatingin sa kanya. “Syempre batak yata sa gym

