Alas-tres ng madaling araw. Naglalakad ako papunta sa bahay ng lola ko. Marahan akong kumatok sa pinto ng bahay ni Lola. "Sino iyan?" dinig kong tanong ng pinsan ko. "Si Shy ito," sagot ko. Bumukas ang pinto agad akong pumasok sa loob ng bahay. "kamusta kayo rito? tanong ko kay Amie. "Naku Shy, bakit ngayon ka lang nagpakita noong isang-araw ka pa hinihintay ni Lola beth. Hindi ka tumatawag nag-aalala na nga si lola na baka kung ano na ang nangyari sayo. Lalo at naka ilang ulit na nagpapabalik-balik ang mga tauhan ni Kapitan Luis Reyes. Ang sabi nga nila ay tinatago ka raw namin," mahabang litanya ni Amie. "Bumalik pa ba sila kahapon?" tanong ko rito. "Oo, Bumalik sila kahapon ay nagpupumilit nga na pumasok dito sa loob ng bahay baka raw tinatago ka namin. Kaso mayroon biglang tumi

