Nagwawalis ako rito sa likod bahay dahil naiinip ako. Kami lang ni Amie ang nandito dahil nasa Mansiyon si Lola Beth. "Shyyy!" tawag sa akin ni Amie. "Oohh bakit, Amie?" tanong ko. Ngunit patuloy pa rin akong nagwawalis hindi ako lumingon sa kaniya. "May naghahanap sayo." "Ha? Sino naman ang maghahanap sa akin?" tanong ko. Si Governor Adam, ang naghahanap sayo pinsan, nandi..." Hindi ko na pinatapos sa kanyang sa sabihin si Amie. "Ahm...bakit naman ako hahanapin noon?' Sabihin mo wala ako rito umalis kamo o sabihin mo nagtanan," wika ko habang patuloy na nagwawalis. "P-pero Shy, ano kasi...." "Amie, ako ng bahala sa pinsan mo." Dinig ko ang boses ni Adam. Ano na naman kaya ang trip ng lalaking ito at gusto akong makausap. Ang last na kita namin ay iyong may nangyaring kababala

