COLEEN BARETTO NASA BAHAY NA kaming dalawa ni Jack at dumiretso agad kami sa kwarto. Agad naman akong nag-stretching dahil sumakit iyong braso ko habang inalalayan siya paakyat dito sa kuwarto. Pinahiga ko na siya sa kama namin at hinubaran para bihisan. Hindi na bago sa akin ang sitwasyon na ganito kaya hindi na ako naiilang. Nakita ko na rin naman ang lahat sa kanya. Habang binibihisan ko siya ay panay ngiti lang siya sa akin. Dahil maldita ako, kinurot ko ang ilong niya. Naiinis lang ako sa kagwapuhan niya. Nakakasilaw kung baga. Para nga siyang sinag ng araw sa paningin ko. Ganoong klase ang charm niya sa akin. “Stop smiling. Nanghihina ako. Baka bibigay ako,” pang-aasar ko. Agad naman niyang tinakpan ang undearwear niya. Ang feeling, ’di ba? Pero ganoon siya ka maginoo kaya sobr

