NAPATITIG SA SALAMIN si Anica habang may ngiti sa labi. Namamanghang pinakatitigan ang sarili doon. Hindi siya makapaniwala ngayon dahil sa nakikita niya mula sa repleksyon ng salamin. "Ako ba 'to?" tanong niya at nilingon ang dalagang anak na si Lj. "Oo naman po, Mommy.." sagot niya, "Look mommy, mukha ka pong dyosa talaga.." manghang papuri ng kanyang anak sa kanya. Hindi niya maiwasan ma-excite ngunit kinakabahan siya ngayong araw. Ang araw ng kanilang kasal. She's wearing a white off-shoulder wedding ball gown na talaga namang yumayakap sa makurba niyang katawan hanggang sa bewang. Ang mahaba at palobong palda no'n ay talagang engrade dahil sa ganda ng desenyo. Backless ang likod ng gown at kita ang kurba ng katawan niya. Ang buhok niya ay kinulot, ang kalahati ng buhok niya ay

