NAKATINGIN lang ako sa kinakain ko. Mag-aangat man ako ng paningin ay sinisiguro kong hindi magtatagpo ang mga mata namin ni ninong Stephen na kanina ko pa nararamdaman na maya't maya akong binabalingan. Ang awkward ng atmospear pero parang ako lang nakakaramdam no'n. Nagku-kwentuhan silang dalawa, Dada and ninong Stephen habang ako ay kumakain lang. "I will just finish my appointments and mga kailangan kong pirmahan ngayong week para wala na akong po-problemahin.." anang ni Dada, "Ikaw, bro?" "I cancelled all of my appointments too, they can wait.." at mahinang natawa si ninong Stephen. Kumakain lang ako. Tumitingin-tingin din ako sa labas ng restaurant na kinkainan namin dahil katabi ko ang glass wall ng restaurant kaya nakikita ko ang mga nagdadaraan. Puro mga estudyante ang mga n

