Unknown Number: Hmm. Maayos ang kinalabasan kay Anica.. I wonder kung maayos din ba ang kalalabasan sa'yo? I think yes. Magaling akong kumuha ng picture kaya magiging maayos 'yon.. I'll be watching you and Stephen. be careful.. Nanginginig ang mga kamay ko habang balisa sa kinauupuan. Pinilit kong pakalmahin ang puso kong sobrang lakas ng kabog. Tulirong nagpalinga-linga sa paligid at baka sakaling makita ko uli siya. Bakit siya nandito? Siya ba 'yong nagtetext sa'kin? Pinakita niya 'yong cellphone sa'kin! Binalingan ko si Ninong Stephen na busy na kausap si daddy. Should I tell him who I saw? Hanggang natapos ang conference. Tulala na ako hanggang sa makapasok ng kotse. Nakatulala at nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang busy ang mga kasama ko. Si mommy ay may kausap sa ce

