Chapter One

2256 Words
*Riiiiiing-Riiiiiing* "Wake up honey," "Hmmm.." ungol ko. Inaantok pa ako, ayaw ko pang bumangon eh! "Baka malate ka n'yan sa klase mo, 'Nak." Malambing na sabi ni Daddy. Nakapit na umupo ako, "Inaantok pa ako, Dad." sabi ko. Naramdaman ko ang pag-aayos ni Dad sa buhok ko. Sinusuklay niya ito gamit ang mga kamay niya. "Kailangan mo na bumangon, baby. May Exam kayo, 'di ba?" Tsaka lang ako napamulat dahil sa sinabi ni Daddy. Agad akong napabangon at nagmamadaling pumasok ng banyo. "H'wag kang masyadong magmadali baka hindi ka makaligo ng maayos 'nak!" Narinig ko pa ang pagtawa ni Daddy. Hindi ko na siya sinagot at naligo nalang ako ng maigi. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong bumaba at pumuntang kusina Nadatnan ko si Daddy na naka pang office na pero may apron na suot dahil siya din naghahanda ng almusal namin pati na rin lunch namin dalawa. "Good morning Tatay kong gwapooooo!" Bati ko at iniyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit. Narinig kong natawa ng bahagya si Daddy tsaka ako hinalikan sa ulo, "Good morning too, baby ko!" Napangiti ako. Malambing talaga ang tatay ko, maalaga pa! Nang matapos kaming mag-almusal ay nagtoothbrush lang ako tsaka ako hinatid ni Daddy. Lagi akong hinahatid ng tatay ko kaya kilala na siya sa school namin. Habang nasa byahe, tinext ko na ang mga kaibigan ko na abangan ako sa building. Mich: Hinatid ka uli ni Daddy mo? Naparoll eyes naman ako dahil sa tanong niya. Lagi naman ganyan ang tanong ng mga kaibigan ko. No'ng sinagot ko ng Oo, tuwang-tuwa naman. "Good morning po, Sir!" Bati nung gwardya ng ibinaba ni Daddy ang salamin. Binati din ito ni Daddy. "Baby baka hindi kita masundo mamaya.." Sabi niya ng ililiko na ang kotse papuntang building ng room ko. "Bakit, Dad?" Napanguso ako. Ayaw ko talaga magcommute, bukod kasi sa rush hour ang uwian namin ay hindi pa ako marunong mamasahe. "Baka may meeting kami." Sabi niya. "Anong oras naman po iyon?" "Hapon?" Patanong na sagot niya. "Hapon naman pala po." ngumiti ako, "Exam day namin ngayon Dad at Tanghali ang uwian." "Oo nga pala. Sabay na tayo maglunch?" Tanong ni dad. Medyo traffic sa loob ng school dahil sa mga nagbababaan na student sa mga kotse nila kaya nakapila ang amin. "Hmm-Hmm.." Tumango ako at bumaling sakanya, "Sa Office tayo Dad? Gusto ko makita si Lolo, eh!" Yung Lolo na tinutukoy ko ay yung Daddy ng tatay ko. Siya pa rin kasi ngayon ang CEO ng kumpanya nila. Ipapasa palang siguro kay Daddy 'yon. "Oright!" Sagot niya. Ilang minuto rin ng nasa tapat na ako ng building namin. Namataan ko agad ang mga kaibigan ko at todo ngiti ng makita ang kotse ng tatay ko. May gusto kasi sila sa tatay ko. "Nandyan na pala mga kaibigan mo.." Sabi ni Dad. Napanguso uli ako. Pag nakikita kasi ni Daddy mga kaibigan ko ay babati pa siya sa mga ito kaya mas lalong nagugustuhan siya ng mga kaibigan ko. "Bababa na ako Dad. Alis ka na agad. " Sabi ko at mabilis na hinalikan siya sa pisngi, "Bye!" At mabilis na bumaba sa kotse pero nagulat ako ng nando'n na ang mga kaibigan ko kaya napasilip pa sila sa loob. "Hello po, kuya Kris!" pagpabati nila sa Tatay. Naparoll eyes ako. Ayoko talaga ang ginagawa ng mga kaibigan ko. Halata kasi sila masyado eh! "Hi, girls!" Bati din ni Daddy. Napaimpit na tili ang mga kaibigan ko. Crush nila ang tatay ko simula palang ng nag Grade 9 ako at naging kaibigan ko sila. Lagi nila sa 'kin iyon sinasabi. Sino ba naman hindi? Ang bata pa ng tatay ko at gwapo pa. Kahit nga ang mga dalagang guro ko ay may gusto sa kaniya pero salamat naman at wala sa isip ni Daddy ang magka-girlfriend. "Tara na!" Bored na yaya ko sa mga ito. "Bye, kuya Kris!" Sabi ng mga ito. "Bye! Good luck sa Exam!" Sabi naman ni Daddy na nakangiti kaya lalong napatili ang mga kaibigan ko. Dumungaw siya sa 'kin at nakitang nakasimangot ako, nangunot ang noo niya pero kalaunan ay ngumiti uli, "Smile 'nak!" "Sige na Dad. Malelate na kami.." Sabi ko at mabilis pumasok uli sa kotse at hinalikan uli ang pisngi niya bago lumabas. "Love you, baby!" "I love you too, Dad!" Kumaway na ako tsaka pumasok ng building kasunod ko ang mga kaibigan ko. "Ang gwapo talaga ng Daddy mo!" Sabi ni Dianne habang nangingisay sa kilig. "Grabe 'no? Hindi ko inakalang maagang nag-kaanak siya!" Sabi naman ng isa kong kaibigan ko na si Miyuki. Mag Didisi-otso raw noon si Dad no'ng nabuntis niya ang Girlfriend niya which is 'yong nanay ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pa basta ang alam ko lang ay iniwan ako ng nanay ko sa tatay ko pagkaanak sa 'kin. Sakto naman pagkapasok namin ay pagdating ng Adviser namin. Ilang minuto lang ay nagumpisa na ang exam namin. Matapos ang apat na exam ay natapos din kami sakto namang uwian at tanghalian na. Tinext ko na ang Daddy ko. "Hindi ka na sasabay?" Tanong sa 'kin ni Mika, isa rin sa mga kaibigan ko. "Susunduin ako ni Daddy, pupunta kaming Office." sagot ko sakanya. Tumango sila tsaka nagpaalam na sa 'kin. Naghihintay naman ako dito sa Bungad ng building namin. Habang naghihintay ay nahagip ng mata ko ang paparating na grupo ng mga Lalaki. Sumama agad mood ko. "Ohow! Nandito pala si Lovely Joice Benedicto!" Inirapan ko si Lance pati na rin ang mga barkada niya. Sikat sila dito sa school dahil mga gwapo, magaling magbasketball at malalakas mangtrip. Sa kasamaang palad isa ako sa mga pinagti-tripan nila! "Ano na naman ba 'yon!?" Naiinis kong tanong pero tinawanan lang nila ako. Di ba, ang lalakas mangtrip! "Bakit ang suplada mo sa 'min?" Lance said. "Nakakairita kasi 'yang mga mukha niyo!" inirapan ko uli sila. "Naiirita ka sa mukha namin? Sa gwapo naming mukha? Oh! Come on.. lahat na babaliw sa mukha namin, Love." si Julius naman ngayon. Love ang tawag niya sa 'kin kasi para shortcut daw ng name kong Lovely tsaka mas bagay daw sa 'kin na love ang tawag kasi mukha daw akong LOVErador! Grrr. "Ewan ko sa inyo!" sagot ko nalang at hindi na sila pinansin pa. Pag sumagot pa kasi ako ay hahaba lang ang usapan at mauuwi lang na ako ang asar na asar. Umaliwalas ang mukha ko ng mamataan ko ang sasakyan namin. Kumaway agad ako at bumusina naman si Daddy bilang sagot. Ngumiti ako ng malapad ng pumarada si Daddy sa harap namin. Dumungaw si Daddy bago lumabas ng kotse. "How was your day, Baby?" Dad asked me ng lumapit na siya. Hinalikan niya ako sa ulo. "Boyfriend mo?" Gulat na tanong nila pero hindi ko sila pinansin. Napatingin si Daddy kila Lance at tinaasan ng kilay. "Sila ba 'yong sinasabi mo, 'nak?" Tanong ni Daddy. Nilingon ko sila Lance at nakita ko ang pagtataka sa mukha nila marahil dahil tinawag akong Anak, "Opo Daddy!" sagot. Gusto kong matawa ng nanlaki ang mata nila at sabay-sabay na, "Daddy mo?!" "Yeah, May problema ba do'n?" Tanong naman ni Daddy. Umiling sila, "W-Wala po s-sir.." sagot nila. "Tara na Daddy. Gutom na ako tsaka gusto ko na makita si Lolo!" Hinatak ko na si Daddy at nagpatianod naman siya. Pagkapasok sa kotse ay hinarap ko ang tatay at sinimngutan. "Daddy naman kasi! Bakit ang aga mo kasi nagka anak? Ayan tuloy pinagkakamalan kitang boyfriend!" "Eh, kung hindi ko nabuntis Mommy mo edi hindi kita magiging anak? Ikaw kaya swerte ko!" Nakangiti niyang sabi at ginulo pa ang buhok ko. "Sabagay.. Kaso Dad, naiirita ako sa mga kaibigan, mga schoolmate at mga teacher kong babae na laging tanong nang tanong ng kung ano favorites mo o kaya ihahatid mo ba ako o hindi!" Natawa naman si Daddy at ginulo uli ang buhok ko, "Ang gwapo kasi ng Daddy, 'nak!" "Ewan ko sayo, dad!" sabi ko. Natahimik sandali si Dad pero nagsalita uli "May gusto mga 'yon sayo 'nak!" "Huh? Sino po?" Takang tanong ko. "'Yong mga lalaki kanina!" Nakasimangot niyang sabi, "Naku 'nak! Bata ka pa at ayaw ko mangyari yung nangyari sa'min noon!" "Eh? Wala dad! Lagi nga ako inaasar ng mga 'yon eh!" sagot ko, tsaka dinugtungan, "Opo Dad! Wala pa sa isip ko ang mag boyfriend no!" Protective talaga itong tatay ko. Kahit may manligaw ay hindi niya pinapayagan pero ayos lang sa 'kin iyon dahil pinaparamdam sa 'kin ng tatay ko na gaano niya ako kamahal at kahalaga sakan'ya. Pagkadating namin sa building mga empleyadong nakangiti ang sumalubong sa 'min. Mga nakangiti ito samin lalo mga babae na kay Daddy nakangiti ng malapad. Psh! Sumakay na kami sa elevator at pinindot ni Daddy ang 15th floor, ang last floor at kung saan nakapwesto ang opisina nila Daddy at Lolo pati na rin ang iba pang empleyado. "Good Morning po, Sir, Miss Lj!" Pagbati ng mga empleyado na nasa likod namin dito sa loob ng elevator. Ngumiti naman kami ni Daddy. Binalingan ko si Daddy na nakanguso at nakatingin sa mukha ko, may kinuha siya sa bag ko na bitbit niya. "Pawis na pawis ka, 'nak.." Malumanay na sabi ni Daddy habang pinupunasan ang mukha ko ng panyo na kinuha niya sa bag ko. "Ang init po kasi." Sagot ko. "Ang sweet niyang Daddy oh." "Ang cute.." Tumingin ako kay Daddy at ngumiti, gano'n din siya. Nakakaproud maging anak ng isang Simon Kris Benedicto, bukod sa gwapo na nga ang tatay ko, napakaaaaaaa bait pa niya and he loves me so, soooo much. "Pawis din likod mo.." nakakunot niyang sabi ng makapa ang likod ko. "Mainit nga po kasi, hehehe" Tumunog na ang elevator at nag si babaan ang ibang empleyado. "Bye po!" Sabi ko at kumaway sa kanila. ** "LOLO!!" Sigaw ko ng makita ang Lolo ko na nakaupo sa swivel chair niya. Nag-angat ng tingin ang Lolo ko at umaliwalas ang mukha niya ng makita ako. "Apo kong maganda!" salubong niya ng yakapin ko siya. "Uwaaaah Lolo! Isang linggo tayo hindi nagkita! Miss ko na kayo ni Lola!" pagtatampo ko. Natawa naman siya at ni-pat niya ang ulo ko, "Busy lang ang Lolo sa company natin tsaka sabi ng Dad mo na busy ka rin sa kaka-review.." Ngumuso nalang ako at yinakap ng mahigpit si Lolo. Nag-order si Daddy ng lunch namin. Sa Jollibee siya nag order kaya tuwang-tuwa ako dahil favorite ko ang Jollibee hehe. "Yey! Jollibee bida ang saya~" Kinanta ko 'yong Jingle nila pagkadating ng inorder. Nag-umpisa na kami kumain. Ang daming binili ni Daddy na pagkain hehehe. "Doddo.. " Tawag ko habang ngumunguya. "Don't talk when your mouth is full.." Sabi niya tsaka pinunasan ang labi ko gamit ang tissue. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago magsalita, "Dad, after ng exam namin 'di ba sembreak na? Pwede ba ako sumama rito?" "Hmm.. Good idea, para maka-bonding kita dito apo tsaka ang Lola mo, Miss ka na no'n." Sabi ni Lolo. "Pwede kesa mabagot ka sa bahay tsaka ayaw ko naman na gagala ka.." ani ni Daddy. Napangiti at napapalakpak ako sa sinabi ni daddy. Gano'n ginagawa ko pag walang pasok, dito ako sa Benedicto's corp. laging tumatambay bukod kasi sa malamig na ay malakas din ang wifi. May aircon at wifi rin sa bahay pero boring pag ako lang mag-isa tsaka ayaw kong gumala naman. Kumain lang kami at halos ako lang nakaubos ng chicken joy na binili ni Dada pati na rin ang fries na inorder niya hehehe. "Hello everyone!" Napabaling kami sa pumasok at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang, "LOLAAAAA!" Halos magkadahulog ang fries ko ng tumakbo ako papunta sa Lola ko. Sinalubong ko ng yakap ang lola ko at gano'n din siya. "I miss you, Apo ko.." Sabi niya at hinalikan ang ulo ko. Nakikain na rin si Lola ng inorder ni Daddy. Nag-uusap sila habang kumakain kami. "May mga bagong investors tayo.." Sabi ni Lolo. Hindi ko na sila pinakinggan pa at nag-focus nalang ako sa kinakain ko. Tumayo ako at pumunta sa mini ref ni lolo para kumuha ng Chukie isa sa favorite ko ito kahit na medyo dalaga na ako. Lagi rin nagi-Stock ang lolo ko nito dito dahil alam niyang favorite ko 'to. "Excuse me.." Daddy said pagkabalik ko dahil nagriring ang cellphone niya. Uminom nalang ako ng chuckie habang tinitignan si Daddy na sinasagot ang tawag niya. Medyo echosera rin kasi ako. "Hello?" seryoso niyang sagot pero biglang umaliwalas ang mukha niya ng sumagot ang nasa kabilang linya, "Bro! Ikaw pala 'yan! Kumusta na?" sinenyasan ni Daddy sila Lolo't Lola na kung sino iyon kaya napatango sila kay Daddy. "Nasaan ka ngayon?...Talaga?... G*go may utang ka pa sa 'kin at sa inaanak mo, bro.." Bakas sa mukha ni Daddy ang galak. Bumaling ako sa Lola ko para magtanong, "'La, Sino kausap ni Dad?" curious kong tanong. "Bestfriend ni Simon iyon and your Ninong.." Nakangiti niyang sagot. Napatango naman ako sa sagot niya. Kaya pala narinig ko ang inaanak na sinabi ni Daddy. "Next week ah, punta ka na rito tsaka miss ka na nila Dad and Mom.. Oo.." Bumaling si Daddy kela Lolo, "Miss niya rin daw kayo.." sabi ni Dad tsaka bumaling uli sa kausap, "Tsaka para ma-meet mo na itong inaanak mo.. Dalaga na nga ang anak mo, wala ka pa rin nai-ibibigay Hahahahaha.. Sige.. Oo.. Text-Text nalang Bro, Bye!" "Mame-meet mo na ang kaisa-isa mong Ninong!" Baling ni Daddy sa'kin. Napakurap na lang ako. Hindi ko alam na may ninong pala ako. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD