NAKANGITI AKONG NAPAUNAT ng maramdaman ko ang mga brasong nakapulupot sa'kin. Bumaling ako sa magkabilang gilid ko at hindi ko maiwasang mapangiti na ang tumambad sa'kin ay ang mukha ng parents ko. Alas-sais y media palang kaya tulog pa rin sila. Hindi ko maiwasang i-kiss sila sa ilong nila. Si Dada ang nagising at ngumiti ng makita ako. "Why are you already awake, baby?" dad ask. Ngumiti ako, "Excited lang po, Dada.." sagot ko. "Hmm.." aniya. Pinanood kong umupo si daddy at nag-unat. Nakangiti siyang bumaling sa'min ni momma ko. Kagabi, pinilit kong matulog sa tabi nila ni dada at momma ko. Medyo ginabi rin kami ng tulog dahil maraming ikin'wento si momma ng kabataan nila noon. Sina tito Bal ang natulog sa kwarto ko. "Hindi ka na ba inaantok, 'nak?" tanong ni daddy. Umiling ako,

