Stella's POV Naka halumbaba ako sa desk ko habang may sinusulat sa notebook. Nasa classroom kami, kagahapon ay naikulong na sila Helen. Inamin naman nila ang kasalanan nila, tinanggap nila ang parusa at hindi na lumaban pa. Ganon natapos ang misyon namin, same goes for the other group. Natapos na din nila Blaise ang misyon nila at sabay kaming lahat na bumalik sa Academy. Inasar pa nga ako ni Kim na mahina dahil puro benda ang katawan ko, ganon din ako sakanya dahil hindi lang naman ako ang mukang napuruhan sa misyon. Halos lahat naman kami maliban kay Blaise na tanging gasgas at maliit na sugat lang ang pinsala sa katawan. “Hey!” napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Mile, humila sya ng upuan at umupo sa tabi ko. Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa. Minsan nababagot na kami dito s

