Stella's POV “Aray!” hiyaw ko nang tapalan ng ointment ni Bela ang mga pasa ko. Sariwa pa ang mga pasa ko at masakit pa yon paghinawakan. Biglang nataranta si Bela at ginamitan ng magic para humupa ang sakit. Kita ko ang paga-alala sa mukha nya. “Hindi mo naman sinabing masakit pala,” sabi nya at tinuon ang atensyon sa mga pasa ko. “Ngayon ko lang naramdaman,” I giggled. Kanina hindi ko pa masyadong ramdam, ngayon na nakaupo na ako at bigla tong hinawakan ni Bela ay ngayon ko lang napagtanto na masakit pala. Nagiging manhid ata ako ah. Nasa bahay kami ngayon ni Kera. Wala ang mga parents nya dahil nasa palasyo daw para mag trabaho. Nasa palasyo din nagtra-trabaho ang karamihan sa mga magulang nila, maliban kay Bela dahil alam naman natin ang nangyare sa mga magulang nya. Rest in pea

