Stella's POV Umagang-umaga ay nasa training room ako ng palasyo. Ayaw ko pa sanang bumangon kanina pero kinukulit ako ng mga Maids. Hinihila nila ang kumot at unan ko sa tuwing tinatakpan ko ang mukha ko dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa malaking bintana ng kwarto ko. Hinila na din nila ako paalis sa kama pero hindi ako nag patinag. Hanggang sa kiniliti nila ako sa paa at yon ang hindi ko nakayanan kaya na pa bangon nalang ako. Sa lahat ng kiliti na meron ang katawan ko ay sa paa ang pinaka ayoko. Good thing Mile and Bela haven't know about my weakness, so does the S Class. They haven't tried tickling me in my feet yet. Medyo inaantok pa ako pero sinusubukan ko nang gisingin ang diwa ko. Ngayong araw ko sasanayin ang lahat ng armas na dinala ko. Hindi ko naman kailangan i-master la

