Stella's POV Sa pangalawang beses ay nakaharap na naman ako sa salamin habang inaayusan ang gown ko. Maayos na din naman ang pinasuot sakin kaya hindi na ako nag-reklamo. Matapos ang pag-punta sa Osgard Valley ay deretso na akong inayusan. Medyo natagalan kaming namahinga don kaya hindi ko namalayan ang oras. After finished preparing, they guide me to the main balcony of the palace, kung saan makikita ako ng maraming Wizards. Pinatayo nila ako sa harap ng pinto na hindi pa bumubukas. Ilang minuto ay naka rinig ako ng tunog ng trumpeta. Bigla nalang akong nanlamig. “Let me introduce you, Princess Asteria Mayumi Latimer,” narinig kong anunsyo ni Auntie. Huminga ako ng malamin. Unti-unti nang bumukas ang malaking pintuan sa harapan ko. Tumama ang liwanag sa mukha ko. Napa-awang ang bibi

