Stella's POV “Rise and shine!” malakas na sigaw ng gumigising sakin. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil bigla nalang nyang binuksan ang kurtina kaya nasilaw tuloy ako. Arrgg My eyes! “Gising na Señorita,” biro nya pa. Niyugyog nya ang kama ko kaya hindi na ako maka balik sa pagtulog. Inis kong tinanggal ang unan sa mukha ko at masamang tinignan si Erick. Isang nakakaasar na ngisi lang ang binigay nya. “Erick alam mo bang may kasabihang. Mag biro kana sa lasing wag lang sa taong tulog,” madiin kong sab. Kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Nag kibit balikat sya. “Never heard of it,” sabi nya sabay hila ng kumot ko. “Arrg!” singhal ko. Inaantok pa ako, hindi ako agad nakatulog kagabi dahil sa lintek na nararamdaman ko na hindi ko naman alam kung bakit nakakaramdam ako

