Busy si Lyza sa pag gagawa ng assignment niya sa dining table sa kusina habang nag liligpit naman sa lababo si Joy at ang Nanay Remy naman ay nasa tindahan na nito at doon ito na tutulog dahil dahil halos madaling araw na itong nag sasarado ng tindahan. Napatingin siya sa cellphone ng makita na mag ring iyon. Jael calling.... Nag salubong naman ang kilay ni Lyza at napatingin sa rilo sa pader mag 11pm na, mapapalo niya ang batang ito dahil gising pa at online. Agad niyang sinagot ang call nito saka agad na sumimangot ng mag request pa talaga ito ng videocall. Napatayo naman siya para puntahan ito sa kuwarto nito at pagalitan. "Mommy! It’s me!" ON SCREEN: JAEL is hiding under the blanket whispering. Bigla natigilan si Lyza ng mapansin na iba ang mata ni Jael saka palang niya na alala

