"Kailan daw ang balik ni Lolo sa Us?" tanong ni Jared habang nasa backseat ng sasakyan habang papasok sila sa La Huerta estate sa Batangas. "Wala pong definite date sir," marahas na napabuga ng hangin si Jared. Kung ganun kailangan niyang ma secure ang katayuan ni Lyza bago pa may gawin ang lolo niya na dahilan para iwan siya ni Lyza. "Anong lagay ng kalusugan ni Lolo?" "Not healthy but not weak sir." napatango naman si Jared, maaring magkaroon na naman sila ng debate ng lolo niya mabuti ng maingatan pa rin niya ang lalabas sa bibig niya. Kahit hindi sila madalas na mag kasundo ng Lolo niya hindi naman niya gustong maging dahilan ng kamatayan nito. Marami na sa mga kamag anak nila ang naka abang sa kamatayan nito dahil sa La Huerta estate lahat naka abang kung kanino nito hahatiin a

