"Mommy." "Hmmm!" tugon ni Lyza habang kayakap niyang matulog ang anak sa tabi. Naiyak pa rin siya pero hindi na sobra basta kusa na lang natulo ang luha niya. Malinaw na sa kanya ang lahat na ang lolo ni Jared ang may pakana ng pagkidnap sa kanya ang pagdadala sa kanya sa bundokan at pagkuha sa anak niya. Ngunit ayon kila Nanay Remy at Joy babae daw ang laging kausap ng mga ito na hindi naman nila nakikita lagi lang daw boses lang ang naririnig ng mga ito at meron lang itong lalaking tauhan. Possible bang may iba pang utusan ang Lolo ni Jared, para lang makuha ang anak niya kaso malas nito dahil hindi nito alam na kambal ang anak niya. Ito lang naman ang may motibo para gawin yun sa kanya, ito lang din ang may gusto na mag laho siya after niyang manganak at ibigay sa mga ito ang apo.

