Tumaas ang kilay ni Lyza ng makita si Marea na bumaba ng isang magarang sasakyan at pumasok sa building na pag-aari ng mga La Huerta. At ano naman kayang gagawin ni Brukshield sa kumpanya ni Jared, galing siya sa hospital balak na sana niyang umuwi at makipagkita kay Calix dahil nag yaya itong kumain sa labas kaya nag paalam muna siya kay Jared dahil ang pangit naman tingnan na lalabas siya kasama ng ibang lalaki knowing na kasal siya rito kahit pa sabihin na subtitute wife lang siya sa mata ng tao at ng Diyos siya ang asawa nito. At gaya ng inaasahan na pagalitan pa siya nito wag daw niyang subukan baka daw may makakita sa kanya at makarating daw sa pamilya nito mag ka problema pa sila. Ayaw daw nito ng sakit ng ulo kaya sabi niya uuwi na lang siya pero ayaw nitong maniwala kaya ang

