Marahan na dumuduyan ang hammock na ipinalagay niya kay Jared sa labas ng balcony ng kuwarto nila, nakatingin si Lyza sa kawalan at iniisip ang ama niya. Kung paano nito tingnan ang kambal kanina na parang takot na takot at hindi niya alam kung bakit? Alam naman nito na may anak siya pero bakit ang reaction nito gulat na gulat. Bukod dun ang sinabi nitong kukuha nanaman ito ng pera sa kumpanya ni Jared para mailabas ang mag-ina nito sa kulungan. hindi niya alam kung ano bang ipinakain ng mag-inang iyon sa ama niya bakit ito masyadong sunud-sunuran sa dalawa. Noong mamatay ang Mama n'ya ang sabi ng nurse si Jared daw ang huling bisita ng ina niya pero ng alamin nila ni Calix sa CCTV footage noon ang Papa niya ang dumalaw. Hindi na lang niya ito kinompronta dahil ng mga panahon na yun

