Tahimik lang si Jared na naka sandal sa hamba ng pinto ng kuwarto ng kambal, magkatabing natutulog ang dalawa sa malapad na kama. May unan sa pagitan ng mga ito at mukhang magkaaway ang dalawa dahil sa tuli issue. Baby pa lang si Jace ng patulian na nila ito noon kaya sa murang edad. Maayos na napalaki ng Lolo niya si Jace na hindi man lang niya na isip na possibleng anak niya ng mga panahon na yun. Agad-agad nanilawa siya sa Lolo niya na anak ito ng Papa niya ng ipa DNA test nito ang bata, hindi nito naisip na may kakambal pala na hawak ang asawa niya. Ang malaking tanong lang sa kanya ang tungkol sa sinasabi ni Lyza, kailangan niyang malaman kung sino at anong dahilan para gawin ang ganun bagay sa asawa niya at mga anak niya. Kaya naman kahit nasasaktan siya sa

