"Buti pa si Lolo, hindi galit sa ginawa ko, pero si Daddy Kuya hmmmp! Grounded. No tablet, no sweets, no cartoons. Para akong kinulong!" makatol ni Jael na nakasimangot habang naka halukipkip na naka-upo sa gitna ng kama ganun din si Jace na parehas pa ang posisyon ng dalawa. Habang si Lyza naman ay inaayos ang damitin ni Jael na parang laging may minahan ng ginto at laging maagulo. "Sabi ko naman sa'yo kanina wag ka munang lumabas, ako na lang kukuha ng food mo." ani Jace. "Kasalanan mo din kasi sinabi na wag mong patulan. Tingnan mo tuloy muntik pa tayong mahuli," ani Lyza. "Eh Mommy… este, Ate Lyza… hindi mo ba ako kakampihan? Ang harsh kaya ni Kuya Jared. Konting suntok lang grounded na agad!" naka ngusong wika ni Jael na tinaasan ng kilay ni Lyza. "Konting suntok tal

