"Mom, stop na. I’m a big boy, okay? Hindi na ako baby! Nakakahiya na sa ladies." giit ng anak na si Jael na nakikipag hilahan ng kamay sa kanya dahil nag sabi itong iihi at ipapasok niya ito ng ladies room para paihiin pero ayaw naman nito. "Anong big boy! Baby ka pa rin ni Mommy, hindi ka pa nga tuli." biro pa ni Lyza sa anak na sumimangot na tumingin sa kanya na tinawanan naman ni Lyza. "Sige na! Sige! Big boy ka na, wala na akong sinabi." wika ni Lyza na binatawan ang kamay ng anak. Nasa isang mall sila at na mimili siya ng gamit niya sa school dahil nag decide siya na bumalik na sa pag-aaralan kahit na 26 years old na siya. Tatapusin pa rin niya ang kursong nasimulan niya gaya ng pangako niya sa ina. Malaki na ang mga anak niya at kasama naman niya sa bahay sina Nanay Remy at Joy.

