"Nakipag-away nanaman kayo sa anak ng Marea na yun?!. At dito pa talaga sa school." naka pamewang na usal ni Lyza ng makalapit siya sa tatlo na hinihingal pang nakapamewang. Kakatapos lang ng exam niya, mag tetext sana siya kay Jared at mag papaalam na mag mamalling silang mag-iina pero pag bukas niya ang cellphone sunod-sunod ang tunog ng mention sa kanya sa GC ng class ng kambal na pinag taka pa niya. Nang buksan niya saka palang niya nalaman na nakipag suntukan ang kambal sa anak nanaman ni Marea na may kutob na siyang mangyayari sapol ng i-transfer dun ni Marea ang anak nito. Ang nakaka-irita pa may video at picture pa ng nangyari na parang tuwang-tuwa pa ang ilan na panoodin at videohan ang nangyari kesa umawat. Pakiramdam tuloy niya gusto niyang alisin na

