"Tsk! Nilalagnat ka anak," ani Lyza ng magising ng bandang 5am dahil nasalat niya ang noo ni Jael na mainit. Napatingin naman si Lyza kay Jace na lumabas mula sa banyo na may dala ng palangga na may bimpo. "Jace." gulat na usal ni Lyza ng makita ang anak, akala niya nasa banyo lang ito yun pala may ginagawa na ito. "Anong ginagawa mo?" na kinuha ang palangga rito at ipinatong sa sahig malapit sa kama. "Ganito po ang ginagawa sa akin ni Lolo kapag may lagnat po ako Mommy. Pinupunasan po niya ako ng tubig na malamig." "Lolo mo?" medyo na gulat na tanong ni Lyza na kinuha ang bimpo at pinunasan nga ang anak. "Opo, matapang lang po si Lolo at strict pero mabait naman po talaga siya." ani Jace. "Kanina ka pa ba gising?" tanong niya sa anak na hinaplos ang pisngi nito. "Hindi po

