Hindi na mabilang ni Lyza kung ilang beses siyang bumuntong hininga habang kumakain sila ng hapunan, nagkakatinginan na sila Remy at Joy dahil parehas na tahimik ang mag-ina ngayon. Nakakapanibago normala sa dalawang ito na mag tsismisan ng kung ano-ano. Likas kay Jael ang madaldal at ikuwento ang mga ginawa nito sa labas pero ngayon nakatulala ito sa ina na parang nag-iisip. Habang si Lyza naman kanina kumakain nakailang sandok na ito ng kanin at ulam na usually naman maliit lang itong kumain sa gabi pero ngayon lampas kinse na yata ang pag buga nito ng hangin. "Lyza, okay ka lang ba hija? Nag-away ba kayo ni Calix?" "Po? Hindi po bakit n'yo naman na isip na nag-away kami saka okay lang po ako." sagot naman ni Lyza. "Parang hindi ka okay Lyza, kanina mo pa hinihigop yang sabaw." ani J

