"You came back." "Ayyy! TT mo!" bulalas naman ni Lyza na sapo ang dibdib ng magulat ng pag bukas ng elevator nakaabang na si Jared na para bang kanina pa talaga ito nag aabang. Napatingin pa siya sa paa nitong naka apak na mukhang napatakbo lang ito bigla ng marahil nakita nito na may paakyat. "Kaloka ka! Aatakihin ako sa'yo sa puso." bulalas pa ni Lyza na lumabas ng elevator. "You scared me more." wika ni Jared na mabilis siyang binuhat na parang bata, natawa nalang naman si Lyza na ipinulupot ang dalawang hita at binti sa balakang ni Jared sabay yakap sa leeg nito na humakbang na patungo sa living area. "I kept thinking… what if you decided not to come back? What if you went back to them?" wika pa ni Jared na ikinataas ng kilay ni Lyza. "To what? A room with no soft bed and light o

