Isa sa mga imbestigador ang nakaupo sa tapat ni Lyza, hawak ang isang folder habang ang isa ay hawak ang cellphone na ginamit ni Calix. Nakakunot ang noo ni Lyza, nanginginig ang mga kamay habang nakahawak sa isang basong tubig. "Miss Enriquez…" usal ng pulis after ibalik sa kanya ang school ID niya na tiningnan nito. "Bago po namin patugtugin ang natitirang audio file mula sa cellphone ni Mr. Calix Maniego, nais lang po naming ipaalam na..." Nagtinginan muna ang dalawang pulis bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Based sa initial investigation, si Mr. Maniego po ay sobrang lasing noong gabing mangyari ang aksidente. Nakita rin po sa CCTV sa isang bar sa Quezon City na ilang oras siyang nag-iinom mag-isa bago may isang babaeng lumapit sa kanya at nag cause ng gulo. Inaalam pa namin ku

