Prologue

3329 Words
Third Person's Point of View “You may now kiss the bride,” nakangiting sambit ni Father Edwin. Hindi mapigilang kabahan ni Elaine habang dahan-dahang itinataas ni Louis ang veil na tumatakip sa kaniyang mukha. Ito ang araw kung saan silang dalawa ay magiging isa na, kung saan hindi na nila kailangan pang magpanggap dahil parehas na nilang ginusto ang makapiling ang isa't isa. “I love you, wife,” usal ni Louis. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Elaine. Hindi niya maiwasan ang kiligin kahit na may kambal na silang anak na sina Mace at Caliber. “Putangina, laplapan na!” sigaw ni Volstrige. Tiningnan naman siya nang masama ni Louis na ikinatikom niya ng bibig. Hindi naman siya nakawala sa kurot ni Venice na nasa tabi niya lamang. “Nakahihiya ka talaga, sa labas ka matutulog mamayang gabi.” Agad namang napasimangot si Volstrige at niyakap ang kaniyang asawa upang suyuin ito. Napatawa naman si Elaine na nakasaksi sa kanila, hindi niya kasi lubos akalain na magkakatuluyan ang dalawa dahil sobrang pihikan ni Venice habang si Volstrige naman ay isang womanizer. “Wife, focus on me. It's our wedding,” sambit ni Louis, ngunit hindi siya narinig ng dalaga dahil sa ingay ng audience kung kaya't hinigit ni Louis ang baywang ng dalaga at inalapat ang labi niya rito. Nanlaki naman ang mga mata ni Elaine dahil sa gulat. “Now, I got your attention,” wika ni Louis. “Shut up, hubby,” usal ni Elaine habang napatawa nang bahagya. “I will shut your lips using mine,” bulong ni Louis bago tuluyang higitin si Elaine para halikan itong muli. Sa pagkakataong iyon ay ipinikit na lamang ni Elaine ang kaniyang mga mata upang damhin ang kanilang mga labi. Animong parang may sariling mundo ang dalawa habang nagpapalakpakan naman ang mga tao sa paligid. “Close your eyes, babies,” sambit ni Elena habang tinatakpan ang mata nina Mace at Caliber. Naputol ang kanilang halikan nang biglang may pumasok na isang armadong lalaki. Itinutok nito ang baril kay Elaine na kaagad ikinatingin ni Louis. “f**k, wife!” sigaw ni Louis. Niyakap niya ang dalaga patalikod upang magsilbing shield kay Elaine upang siya ang tamaan. Napasinghap naman ang mga bisita dahil sa nangyari. Ang iba ay nagsimulang mag-panic at magsisisigaw. Tumayo si Volstrige upang sugurin ang lalaki nang biglang pumasok ang isang daang armadong kalalakihan kung kaya't wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa upuan niya. Kaagad bumagsak ang katawan ni Louis na sinubukang saluhin ni Elaine. Bakas ang takot sa kaniyang mga mata. “Louis, gumising ka,” nauutal na wika ni Elaine habang ang kaniyang mga kamay ay nanginginig na niyuyugyog si Louis. “Surprise, Izaak. Did you love my gift?” tanong ni Zap. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pulang maskara. Tumambad sa lahat ng mga tao ang mukha niya na mayroong bakas ng peklat na nakuha niya mula kay Louis. “Ano ang ginagawa mo rito, Zap?!” sigaw ni Izaak. Ang ipinagtataka niya ay kung paano nakawala si Zap gayong mahigpit ang seguridad nito sa kulungan. “Nagulat ka ba?” nakangising tanong ni Zap habang palapit nang palapit kay Izaak. Nasa tabi naman nito ay ang kaniyang asawa na si Hacel na walang humpay sa pag-iyak dahil sa nangyari kay Louis. Ang akala nila ay matatapos na ang kasamaan ng lahing Valencia, ngunit mukhang may tumutulong dito na malalaking organisasyon kaya't hindi nila ito matalo-talo. “Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak sirain ang araw na ito. Tutal, espesyal ang okasyon na ito para sa pamangkin kong si Brielle. Ngunit nakatatampo naman na hindi man lang ako naimbitahan kung kaya't ako na mismo ang nagdala ng handog ko para sa inyong la—” Naputol ang sasabihin ni Zap nang may tumamang bala ng baril sa kaniyang likod. Hindi si Volstrige ang may gawa nito kung hindi si Elaine na nanginginig ang mga kamay habang hawak ang pistol na nasa bulsa ni Louis. “Sinasabi ko na nga ba. Katulad na katulad mo ang iyong ina na isang traydor! Wala kang ipinagkaiba sa kaniya. Kung hindi lang kita kailangan ay tinapos ko na ang buhay mo kagaya ng ginawa ko sa ina mong si Serena,” sambit ni Zap habang dinidilaan ang hawak niyang baril. Walang tigil ang mga luha ni Elaine hindi dahil sa takot kay Zap, kung hindi takot na mawala sa kaniya si Louis. Ganoon pa man ay nanatili siyang nakatayo habang nakatutok pa rin ang pistol na hawak niya kay Zap. “Wala ka talagang awa! Paano mo nagawa 'yon sa sarili mong kapatid, ha?!” asik ni Elaine habang unti-unting lumalapit si Zap sa kaniya. “Kapatid? Ano’ng sinasabi mo? Wala akong kapatid na isang talunan! Isa lamang siyang anak sa labas at nang nalaman kong tinatraydor niya kami ay winakasan ko na ang buhay niya. Ikaw pa nga mismo ang naging saksi sa pangyayari, hindi ba?” wika ni Zap. Napuno ang loob ng simbahan ng halakhak. “A-ano’ng ibig mong sabihin? Huwag kang lalapit, ipuputok ko ito!” nauutal na sambit ni Elaine habang patuloy ang paglakad ni Zap. “Ang dami mo naman masyadong tanong, pero tutal ito na ang huling araw na makapagtatanong ka sa akin ay sasagutin na kita. Ang iyong ina ay isa lamang anak sa labas! Isang bunga ng kalapastanganan ng aking ina at ang kalaguyo niyang si Elijah Reyes!” wika ni Zap. Nanlaki naman ang mga mata ni Elaine sa gulat. Ang ina niya ay half-sibling lamang ni Zap. “Nakagugulat ba ang katotohanan, mahal kong pamangkin? Kung sa bagay, napaniwala ka rin na ang iyong tunay na ama ay si Raymond Natividad. Nakatatawa lang dahil hindi ko inaakala na pababayaan ka ng iyong tunay na ama sa isang butler lamang,” dugtong pa ni Zap. “Ano’ng ibig mong sabihin? Ano’ng nalalaman mo tungkol sa akin, ha? Magsalita ka!” sigaw ni Elaine. Parang winawasak ang ulo niya dahil sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan lahat ng isinalaysay ni Zap gayong baka ginugulo lamang nito ang kaniyang kaisipan. “Mukhang nagdadalawang isip ka na kung maniniwala ka sa akin, pero wala ka na rin namang magagawa dahil mamamatay ka na rin naman ngayon,” sambit ni Zap at itinutok ang kaniyang baril sa ulo ni Elaine. “Huwag mong gagalawin si Elaine. Ang pamilyang Montemayor ang may atraso sa inyo, Zap. Hindi ang anak ni Serena!” sigaw ni Izaak habang nanginginig sa galit ang mga kamay niya, ngunit pinasadahan lamang siya ng tingin ni Zap. “Huwag kang magmadali sa kamatayan mo dahil ako mismo ang kikitil sa buhay mo,” banta ni Zap. Sinenyasan niya ang dalawang lalaki na nakatayo malapit sa kinaroroonan nina Volstrige. Kaagad nilang kinaladkad si Elaine palabas habang nagpupumiglas. “Saan ninyo dadalhin si Elaine!” asik ni Kaizer. Bago pa man siya makalapit sa dalaga ay tumama sa tuhod niya ang bala ng baril na ikinatumba niya. “You can watch, but don't ever try to interfere,” pagbabanta ni Zap. Ninanais nang sumugod ni Volstrige, kaya lang ay pinipigilan siya ni Venice dahil alam nitong may mangyayaring masama sa asawa niya kung sakaling mangialam ito. “Pakawalan ninyo ako!” sigaw ni Elaine, ngunit sa sobrang lakas ng dalawang nakahawak sa kaniya at balewala ang pagpupumiglas niya. “Ano pa ang hinihintay nyo? Ilabas n’yo na si Elaine,” utos ni Zap. “This is bullshit! I can't stand it anymore!” sigaw ni Izaak. Akmang susugurin niya na sana si Zap nang bigla siyang tutukan ng baril ng dalawang kalalakihan na ikinatigil niya. “Kasasabi ko lang na huwag kang magmadali sa kamatayan mo, pero mukhang excited ka na,” wika ni Zap. Ikinasa niya ang pistol at itinapat sa ulo ni Izaak. Hindi mapigilang magwala ni Hacel para pumunta kay Izaak, ngunit pinigilan siya nina Juliana dahil siguradong magiging malala lang ang pangyayari kung sa kaniya mababaling ang atensyon ni Zap. “Magpaalam ka na,” sambit ni Zap. “Huwag!” sigaw ni Hacel habang humahagulhol. Akmang kakalabitin na ni Zap ang gatilyo nang biglang may bumaril sa kaniya mula sa likuran na tumama malapit sa puso niya. Tiningnan ni Zap kung sino ang gumawa nito at nakita niya si Louis na sinusubukang tumayo. “Sugurin ninyo si Louis!” sigaw ni Zap. Bago pa man sila makalapit sa binata ay may mga armadong lalaki ang pumasok sa simbahan. Mas marami ito kumpara sa kanila kung kaya't walang nagawa ang mga ito kung hindi ibaba ang baril na hawak nila. “Ako ang kalaban mo, Zap,” wika ni Louis. Kaagad inilabas ni Izaak ang baril na nasa bulsa niya at itinapat ito kay Zap. “Ikaw ang magpaalam. Tapos na ang kasamaan mo,” sambit ni Izaak, ngunit bago pa man niya kalabitin ang gatilyo ay tumawa si Zap na parang baliw. “Hindi n'yo na muling makikita si Elaine!” sigaw ni Zap. Napakunot naman ng noo si Izaak dahil sa inis at kinuwelyuhan si Zap. “Saan mo siya dinala?” Ngumiti lamang si Zap bago siya nito sipain nang malakas upang kuhanin ang pistol mula sa kaniya. “Tapos ka na, Louis!” sigaw ni Zap at kinalabit ang gatilyo. Tumama naman sa tiyan ni Louis ang bala ng baril. Bago pa man makabaril muli si Zap ay tumama sa hita niya ang isang bala ng baril na nagmula kay Volstrige. “Sabihin mo, saan mo dinala si Elaine?” tanong ni Izaak habang hawak-hawak ang kwelyo ni Zap. “Hindi ko sasabihin sa inyo. Magdudusa kayo dahil si Elaine ay hindi n'yo na muli pang makikita!” sigaw ni Zap at tumawa ng mala-demonyo bago nito kalabitin ang gatilyo na itinapat niya sa kaniyang sentido. Hindi mapigilang mapamura ni Izaak bago siya tuluyang yakapin ni Hacel, “Makikita rin natin si Elaine. Kailangan mong iligtas ang ating anak!” sigaw nito. Mabuti na lamang ay hindi napuntirya ang kanilang mga apo, kung sakali ay baka nahimatay siya nang wala sa oras. Sinubukan ni Louis ang maglakad, nagbabakasali siya na mahahabol pa niya ang mga lalaking dumukot kay Elaine, ngunit ang katawan niya ay nagsisimula nang manghina habang ang kaniyang mata ay nanlalabo na. “s**t. Wala man lang akong nagawa kun’di iligtas ka—” Walang nagawa si Louis kung hindi ang mapamura nang mahina bago tuluyang bumigay ang mga talukap niya kasabay ng pagbagsak ng kaniyang katawan sa sahig. *** Unti-unting idinilat ni Elaine ang kaniyang mga mata. Dumako ito sa dalawang lalaki na nag-uusap sa harapan niya. “Sigurado ka ba talagang nawala ang alaala ng babaeng 'yan?” asik ni Jacob at kinuwelyuhan ang doctor na si Rex na halos mahimatay na sa takot. “S-sigurado ako. Hindi ako maaaring magkamali, dahil sa tama sa kaniyang ulo ay pansamantalang nawala ang mga alaala niya,” nauutal na wika ni Rex. Hindi niya alam kung dapat na ba siyang magpaalam sa mundo dahil nakakunot na ang noo ni Jacob Sevilla. “Then treat her. Hindi ba't doctor ka? Dapat ay alam mo kung paano babalik ang alaala ng babaeng 'yan!” asik ni Jacob. Napakamot lamang si Rex ng kaniyang ulo dahil imposibleng magamot ang kalagayan ng dalaga. “I'm so sorry, but it's not that easy. Only God knows kung kailan babalik ang alaala niya,” sambit ni Rex habang napalunok dahil sa kaba. “Are you an idiot? Sinasabi mo bang maaaring hindi na bumalik ang alaala niya? Pinagloloko mo ba ako, ha?!” sigaw ni Jacob habang napakuyom na ang kaniyang kamao sa inis. Kung wala ang alaala ni Elaine ay hindi rin nila mapakikinabangan ang dalaga. “Ang tanging magagawa lang natin ay dalhin siya sa lugar na madalas niyang pinupuntahan upang sa gayon ay kaagad niyang mabawi ang nawalang memorya niya,” sambit ni Rex. Bago pa man siya makapagsalita pang muli ay dumapo sa mukha niya ang kamao ni Jacob na agad niyang ikinabagsak sa sahig. Nang dumapo ang mga mata niya sa dalaga ay kaagad siyang napatigil. “S-sino ako?” tanong ni Elaine. Wala man lang siyang matandaan na kahit ano. Ultimo ang dahilan kung paano siya napunta sa lugar na iyon ay hindi niya maalala. Tiningnan nang masama ni Jacob si Rex na nakahawak sa kanang pisngi nito na parang nakagat ng bubuyog. “Leave us,” maawtoridad na utos ni Jacob na kaagad ikinatango ni Rex. Halos matalisod pa ito sa kamamadali para lamang makalabas sa mala-impyernong silid na iyon. Tinitigan ni Jacob si Elaine. Hindi niya maiwasang mamangha dahil sa taglay na kagandahan ng dalaga, ngunit hindi pa rin mawala sa isipan niya na ito ang anak no Serena. Ang puno't dulo kung bakit namatay ang kaniyang ina. “Stop faking that you lost your memories,” sambit ni Jacob. Halata sa mukha ni Elaine ang pagka-confuse dahil sa winika ng binata na hindi niya maunawaan. “H-hindi ko maintindihan ang sinabi mo. N-nasaan ako? Sino ka? Sabihin mo,” nauutal na wika ni Elaine. Nagsisimula na siyang mag-panic. Hindi pa rin lubos na pinaniniwalaan ni Jacob na totoong nawala ang memorya ng dalaga. “Hindi ba malinaw sa 'yo ang sinabi ko? Ang sabi ko, huwag ka nang magpanggap na nawala ang memorya mo at isiwalat mo na kung saan nakatago ang ledger,” asik ni Jacob. Sinimulan niyang sakalin ang dalaga na ikinalaki ng mata nito. Wala siyang naiintindihan sa pangyayari kung kaya't hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng binata at kung bakit bigla na lamang siya nitong sinasakal. “H-hindi ko alam ang sinasabi mo, pakiusap. Nahihirapan na akong huminga,” sambit ni Elaine. Sinusubukan niyang magpumiglas, ngunit masyadong malakas ang binata. “Aminin mo na kasi kung nasaan ang ledger para hindi ka na masaktan,” wika ni Jacob habang kinakapos na ng hininga si Elaine. Halatang hindi siya pakakawalan ng binata hangga't wala siyang sinasabing impormasyon kung nasaan ang tinutukoy nitong ledger. Ano ba ang bagay na iyon? Kahit anong isip niya ay wala talaga siyang kaalam-alam. “Jacob, what do you think you're doing?” tanong ni Cedric na kararating lang habang nakasandal sa pinto ng silid. Kaagad namang napatigil si Jacob sa pagsakal kay Elaine at nagtungo sa harap ng kaniyang nakatatandang kapatid. “She's faking that her memory is gone. Kung kaya't gumamit ako ng kaunting pwersa para mapaamin siya,” sambit ni Jacob. Napakunot naman ang noo ng binata. “I already told you many times that you shouldn't hurt Brielle! I warned you!” asik ni Cedric nang makita niyang nanginginig na sa takot si Elaine habang umiiyak. Kaagad namang nagkrus ng mga kamay si Jacob, “Have you lost your mind, Kuya? She isn't the past Brielle anymore. Isa na siyang kaaway ngayon. Ano ba ang mahalaga sa kaniya?” tanong nito. Sinasabi na nga ba ni Jacob na mas mag-aalala ang kuya niya kay Brielle kaysa sa impormasyon tungkol sa ledger. “Shut up, Jacob. She is still the Brielle that I loved. If you lay a finger on her once again, I will crush your bones,” wika ni Cedric. Napabuntonghininga naman si Jacob dahil sa sinabi ng kapatid. “Kung sakaling magiging sagabal siya sa misyon natin, wala akong magagawa kung hindi saktan siya,” sagot ni Jacob na ikinatagis ng bagang ni Cedric. “Brielle is still a woman!” asik ni Cedric at kinuwelyuhan ang kapatid. “Mas mahalaga pa sa 'yo ang babaeng 'yan kaysa sa misyon natin? Nakalilimutan mo na ba ang nakataya rito, ha?!” sigaw ni Jacob, ngunit mas lalong nadagdagan ang inis kay Cedric kung kaya't sinuntok niya si Jacob na ikinatumba nito sa sahig. Galit ang namayani sa mga mata ni Jacob nang tingnan niya si Cedric. “Ang pagtatanggol mo sa babaeng 'yan ang ikababagsak mo!” sigaw nito at tuluyan nang lumabas sa silid. “S-sino ako? Nasaan ako? Sabihin mo! Balak mo rin bang pagtangkaan ang buhay ko?” sigaw ni Elaine. Nagpa-panic na siya dahil sa takot na kung ano ang mangyari sa kaniya, ngunit tiningnan lamang siya ni Cedric at marahang ngumiti. “You're Brielle,” usal ni Cedric. Dahan-dahan niyang nilapitan ang dalaga, pero lumalayo ito dahil sa takot. “Shh. Hindi kita magagawang saktan, Brielle,” wila ni Cedric habang inaamo niya ang dalaga. Naantala ang lahat nang pumasok sa silid si Rex. “Sorry for the interruption, Sir Jacob, pero gusto ko lang sabihin na puwedeng-puwede n’yo na pong iuwi ang pasyente,” wika ni Rex habang nakayuko ito. Alam niya kasing sisigawan na naman siya ni Jacob kung sakaling magkamali siya. “That's good to hear. Is that true that she has amnesia?” tanong ni Cedric. Nang marinig ni Rex ang boses ay agad siyang napataas ng tingin. “Yes, Sir Cedric. Ikaw po pala 'yan. Hanggang ngayon po ay nagpapasalamat pa rin ako sa'yo dahil sa recommendation mo kaya ako nakapasok dito,” wika ni Rex. Nagulat naman si Cedric nang bigla itong lumuhod na kaagad niyang ikinataas ng kilay. “Get up and continue doing your duty. I will take my fiancée to our house,” sambit ni Cedric. Nagtaka naman si Rex dahil hindi niya nabalitaan na may kasintahan na ang binata kung kaya't paano ito magkakaroon ng fiancée? Sigurado kasing kakalat ito sa buong bansa dahil sa impluwensya ng pamilya nito. “F-fiancée, sir?” tanong ni Rex upang masigurado na hindi siya nagkamali sa kaniyang narinig. “Is there a problem with that?” tanong ni Cedric habang nanatiling naka-poker face. Tinutukan niya ng pistol sa noo si Rex na agad ikinalaki ng mata nito. “W-wala po, sir. Mahal ko po ang pamilya ko, pasensya na po. Hindi na mauulit ang kalapastanganan ko,” sambit ni Rex. Ang buong akala niya ay mas mabait si Cedric Sevilla, ngunit mas nakatatakot pa pala ito kaysa sa nakababata nitong kapatid na si Jacob. “Don't ever spill a word about this or else,” banta ni Cedric at ikinasa ang baril. Napaluhod naman si Rex dahil sa kaba at takot. Halos halikan na nito ang sapatos ng binata upang magmakaawa lang na huwag tapusin ang buhay niya. “I don't want to see your f*****g face again. Now, get out!” sambit ni Cedric. Napatakbo naman palabas ng silid si Rex. Napatingin naman si Cedric kay Elaine na ngayon ay nakaupo na sa gilid. Kaagad niya itong nilapitan. “Let's go home,” sambit ni Cedric. In-offer niya ang kamay sa dalaga na ngayon ay naguguluhan na sa mga nangyayari. “H-home?” nauutal na tanong ni Elaine. Nginitian naman siya ng binata at lumuhod upang pantayan ang mukha niya. “Yes. Doon tayo nakatirang dalawa,” pagsisinungaling ni Cedric. Kaagad namang napatango si Elaine at tinanggap ang kamay niya. “Bakit kasama mo ako roon?” tanong ni Elaine. Hindi mapigilang mapabuntonghininga ni Cedric dahil nakokonsensya siya sa pagsisinungaling sa dalaga, ngunit ito lang ang paraan upang makuha niya ang tiwala ng dalaga. “Because we are engaged,” sambit ni Cedric. Mukhang hindi ito naintindihan ni Elaine dahil nakatitig lamang ito sa kaniya. Agad namang napaiwas ng tingin si Cedric dahil nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon sa tingin ni Elaine. “Ibig sabihin ay malapit na tayong ikasal,” usal ni Cedric. Napatango naman si Elaine. Nais niya pang makilala ang binata dahil ito pala ang magiging asawa niya. Ang problema lang ay bakit parang wala siyang nararamdaman na kahit ano mula rito? Sanhi rin ba ng amnesia niya iyon? “Ano ang pangalan mo?” tanong ni Elaine. Nais ni Cedric na makasama ang dalaga na minamahal niya hanggang wala pa itong maalala. Isa man itong selfish act, pero alam niyang sa oras na magbalik ang alaala nito ay wala siyang magagawa kung hindi tanggapin na kamumuhian siya ni Elaine habambuhay. Ngumiti muna nang mapait si Cedric bago sumagot, “I'm Cedric Sevilla, ang mapangangasawa mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD