"Hi Donato!" Bungad ni daddy sa taong kanyang tinawagan. "James pare kumuzta?" Sagot naman ng nasa kabilang linya. "Medyo maayos naman na simula inatake ng mild stroke 5 months ago!" "Pare tumatanda na tayo dapat kumpleto sa bitamina at ehersisyo. Huwag maxado magpakatutok sa mga negosyo mo, ipagawa mo na yan sa iba para makapagrelax naman kayo ni kumareng Helena." Tumawa lang si daddy. Nakatutok pa rin ako sa dokumentong hawak ko wala akong lakas ng loob na buksan ito natatakot akong dadagdag sa bigat ng aking damdamin kung anuman ang laman nito.. Hindi pa nakakabawi ang aking puso, hindi pa handa sa susunod na trahedya. Trahedya agad Jay hindi ba pwedeng good news naman. Kambiyo ng aking utak. "Oo pare. Gusto ko nga rin makapagbakasyon ulit jan sa isla pero hindi ko pa nakakausap a

